MILLICENT'S POV Pinagkrus ko ang mga braso ko habang tinitignan si Elizaida na pinoprotektahan si Pialv mula sa mga Evolus. Hindi ko na kailangan pang humanap ng pruweba na iisa si Manang Esmeralda at Elizaida, ang eksenang nasasaksihan ko ngayon ay sapat na. Ang kailangan ko nalang malaman ay kung anong pinaplano nila, kung kakampi ba sila o kalaban. "Ibaba ninyo ang baril na hawak ninyo." Utos ni Manang Esmeralda sa mga Evolus ngunit ni isa ay walang nakinig sa kanya. "Manang Esmeralda, umalis ka rito. May kasalanan ang batang iyan na dapat niyang pagbayaran." Si Professor Ronaldo naman ang nagsalita ngayon, kung titignan ay wala nga siyang kaalam-alam sa panlolokong ginagawa ni Manang Esmeralda sa kanya. "Maaaring nagkamali lamang si Pialv, Ronaldo." "Nagkamali? Ilang beses na si

