Chapter 48

2807 Words
RUXLE'S POV "Ang tagal mo naman?" Tanong ko kay Millicent nang dumating siya. Kanina pa ako naiinip rito sa garden. "Nakipaghabulan pa kasi si Starth sa akin." "I see." "Kanina ka pa ba rito?" "Around half an hour, maybe?" She avoided my gaze. "Sorry." "Nakausap mo na ang mama mo?" I asked as I lean my back on the small bridge. When Manang Esmeralda and other gardeners started to plant real plants here they also put some koi ponds for more attraction of the place. "Si Amelou ang may hawak ng cellphone ni mama." I never heard her name. Maybe that Amelou is her sister?  "What happened?" "Binabaan ako ng cellphone ng bruha." She answered that made me curious. "You don't usually use the word bruha but all of a sudden you use it. I want to know what's with her." "Kapatid ko iyon, kasunuran ko lang," I nodded when she started to tell about that Amelou. "Iyon nga lang kung ano ang lapit ng edad namin ganoon nalang ang layo ng ugali niya sa ugali ko. Hindi ko nga alam kung nagrerebelde talaga siya o ganoon na ang ugali niya. Pinalaki kami ni mama na maging mabait at masunurin pero siya salungat na salungat mula sa amin labing-isa! Nakukuha mo ba ang punto ko? Sa totoo lang hindi ko ugali na makipag-usap tungkol sa ugali ng kapatid kong si Amelou pero naiinis talaga ako sa kaniya ngayon. Ngayon ko na nga lang makakausap si mama hindi ko pa nakausap!" "Define the word calm, Millicent." Inismiran lang niya ako. "Ang sama-sama ng ugali ng kapatid ko alam mo ba iyon? Akala mo naman eh siya ang nakakatanda sa aming dalawa. Kung utus-utusan ako akala mo may yaya siya! Kung may iuutos si mama sa akin tapos ipapasa ko sa kaniya dahil abala pa ako, aba tama ba naman na tinatadyakan niya ako dahil ayaw niyang kumilos?" Evil sister, uh? If I were in Millicent's position for sure I'll kick the ass of that b×atch. But yet she's Millicent, she won't do anything, she'll prefer to stay quiet instead of having a revenge against her sister. "Let me guess, hindi mo pinatulan tama?" She sat down over the bridge's side part. "Gulo lang aabutin namin isa pa, paboritong anak ni mama iyon. Lalo na at itinatago ni Amelou ang totoong ugali niya kapag nandiyan si mama. Ang mga kapatid ko gusto na siyang isumbong kay mama pero sinabihan ko sila na huwag na lang silang maingay." "All right but what? Favoritism?" "Angas, favoritisssmmmm para saan ang British accent?" "I'm asking, Milli." "Whatever." "Millicent...!" "Ito naman simubukan ko lang naman na gamitin ang iconic line mo. Lagi mo kasing sinasabi iyon. Whatever! Whatever! Whatever!" "Are you avoiding the topic?" Tumingala siya at tinignan ang hanging plants. "Hindi naman pero mahirap tanggapin eh. Alam mo iyon, close naman kami ni mama pero may favoritism talaga sa pagitan namin ni Amelou. Normal na talaga ata ang favoritism sa pagitan ng mga magulang at mga anak nila." "That sh×t shall not be normalize." She look down and face me. "Wala naman akong sinabing i-normalize ah." "Hindi ata maganda na nakipag-usap ka pa sa kaniya." "Wala naman kaming pinag-usapan dahil pinatayan niya agad ako, tinawagan ko ng ilang ulit hindi na siya sumagot pa." "Sino ang tinawagan mo?" "Si Washington at hindi pa maganda ang pinag-usapan namin! Dahil nalaman kong muntikan na namang atakihin sa puso si mama." "Why? What happened?" "Iyong magaling kong kapatid nakabuntis! Ruxle kinse anyos pa lang iyon!" What's wrong if her fifteen year old brother did just got pregnant a woman? "Your siblings were stressing you out."  "Aba! Stress talaga ako sa kanila. Lalo na kay Luhan. Pasabi-sabi pa na may gusto raw siya na mahal niya na, makalipas lang ang ilang buwan nakabuntis na! Hindi man lang nagtapos ng pag-aaral!" "Ano bang background nung babaeng nabuntis niya?" "Dise-nuebe anyos iyong girlfriend niya, iyon lang ang nalaman ko." What the h×ll? "You mean nineteen year old?" "Oo! Talagang mas matanda pa siya sa kapatid ko ah! Siya itong nakakatanda siya dapat ang responsable at nagtuturo ng magandang asal sa kapatid ko pero ano ang ginawa niya? Nagpabuntis? Kambal pa raw ayon kay Washington." "Kung pwede lang i-isolate lahat ng babae at lalaki na nasa edad sampu at dise nuebe mababawasan talaga ang cases ng teenage pregnancy." I commented, trying to calm her down. "Dapat lang ano! Saka dapat talaga may matinong s*x education ang lahat hindi iyong natuto nalang ng s*x education iyong mga ka-edad natin----ibig kong sabihin mga ka-edad ko----iyon na nga s*x education mula sa parents at teachers hindi iyong galing sa ano..." I smirked to tease her. "Galing sa ano, Millicent?" "Saan pa ba syempre sa mga p×rn sites at sa kung anu-anong babasahin ngayon online na nino-normalize ang s*x scenario sa isang story! Tama ba iyon?" "Aish! Kumalma ka nga muna." "Gusto ko mang kumalma hindi ko talaga mapigilan Ruxle. Hindi ko maintindihan ang sarili ko! Kalmado naman ako nang pumunta ako rito pero bigla nalang...! Naasar talaga ako!!!" Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "May iba pa bang nangyari, Milli?" "Ha...?" She's pouting yet problematic. "Kasi may nakasalubong akong robot." Maybe the reason why she's annoyed is because of that annoying robot. "Nakita mo si Ano?" "Anong-ano?" "Your question should be sinong Ano." "Sinong Ano?" "Si Annoying Robot." Nagpa-ikot-ikot ang mata niya na para bang may hinahanap siya. "Hindi si Annoying Robot." "Then who? Si Didi?" "Si Xyrone. Bagong imbensyon na naman ata nila. Pagkatapos naming maghabulan ni Starth... papunta ako rito ng harangin ako ni Xyrone, nagpakilala siya sa akin, normal na tao siya kung titignan pero unang kita ko palang sa kaniya iritable na talaga agad ako. Doon ko lang nalaman na Robot pala siya." "Really? Then why does it seems like you hate robots so much?" She shrugged her shoulders. "Hindi ko rin sigurado. Basta makakita lang ako ng robot iritable na agad ako. Naku-cute-an man ako naiirita pa rin ako sa bandang huli. Siguro kaya ganito ang nararamdaman ko eh dahil hindi sila tao, para bang hindi nila deserve na mabuhay rito sa mundo." "You amazed me again, Milli." Hindi niya naintindihan kung bakit na-amaze ako sa kaniya. "What I mean is... every time na ilalabas mo iyong opinion mo sa isang bagay you always have the point." "At lagi ka namang sumasalungat sa akin." Aniya kaya natatawa akong napailing. "Seriously talking kasi, you just said na hindi deserve ng robots na mabuhay sa mundo. Then who deserves to live in this world?" "Maybe the animals." Sinagot niya ang tanong ko ng wala man lang hesitation kaya lalo akong namangha sa kaniya. "I mean the plants and animals." "Why them? Why not robots? Especially why not people?" "Napakasimple ng sagot Ruxle. Because they can take care of mother nature more than what we do." "More than we do? Kahit na may mga makina para maglinis? New inventions? New discovery?" "Alam mo kung paano tumatakbo ang science Ruxle. Itago man natin lalabas at lalabas na ‘distruction first before discovery’ siguro hindi nga ganoon kalawak ang kaalaman ko sa science pero sapat naman na siguro ang kaalaman ko tama?" "Hindi kita kokontrahin ngayon lalo na at nasa katuwiran ka rin naman." "Talaga lang ah." Ngumisi ako bago siya tapikin sa balikat. "Noong sinabi kong ikaw lang ang makakapantay sa talino ko. Totoo ang lahat ng iyon Millicent." "Talaga ba?" "Ako ang nagsabi so you better believe me." "Whatever." Napairap ako ng bitawan niya na naman ang linyang iyon. "That's not funny, Millicent." "Bakit ba naasiwa ka kapag binabanggit ko ang salitang whatever sayo?" Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya. "Hindi ka nakakatuwa Millicent." "Hmm... whatever!" "Aish! Millicent Laverde!" "Biro lang eh. Ito naman! Nililibang ko lang ang sarili ko." "Bakit maganda ba akong libangan?" Naningkit ang mga matang tanong ko sa kaniya, inilapit ko rin lalo ang sarili ko sa kaniya, napansin ko ang pagkailang niya dahil sa ginawa ko kaya lalo akong nagkaroon ng dahilan para asarin siya. "Millicent?" Tulad ng inaasahan ay umiwas siya ng tingin sa akin. "Nababahala kasi ako." "About what?" "Ako ang pinaghihinalaang suspect sa pagkamatay ni Eilia." Tumigil ako sa pang-aasar sa kaniya dahil sa sinabi niya. Bakit naman siya ang pinaghihinalaang suspect? Hindi ko man alam kung ano ang totoong nangyari ay hindi ko maiwasang huwag mag-alala. How did they come up with the idea that Millicent is the primary suspect? "Noong na-ireport na nawawala si Eilia ay naririto ka na sa SeeRange, hindi ba?" "Iyon na nga eh. Iyon ang pinagbasehan nila, bigla na lang daw kasi akong nawala matapos iyong nangyari kay Eilia." "And then?" "Ipapasara na sana nila iyong kaso ni Eilia dahil wala namang pag-usad, iyon ang sabi ni Washington at wala akong kamalay-malay na tinatrack na pala nila ang location ko, lalo tuloy nila akong pinaghihinalaan dahil pabago-bago ang location ko. Kasi para talaga akong suspect na nagtatago. Bukod roon ay lampas na ako sa dalawampung minuto kaya kusang namatay ang tawag. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko ngayon." "Paano mo nalamang tinatrack nila ang location mo?" "Inamin kasi sa akin ni Washington ang totoo." "Wala ka ba talagang kinalaman sa pagkamatay ni Eilia?" "Pinagbibintangan mo ba ako Ruxle?" "Millicent, hindi ganoon iyon, nag-wo-worry lang rin kasi ako sa iyo. Sa dinami-dami ng pupwede nilang pagbintangan bakit naman ikaw pa?" "Hindi ko rin alam sa dami ng pwede paghinalaan na suspect talagang ako pa?" "You can't blame them, naglaho kang parang bula noong nawawala si Eilia." "Naiintindihan ko naman iyon ang hindi ko maintindihan ay bakit kailangang ako ang masisi?" Pareho kaming natahimik. I don't know what to say and I don't know how will I help her. Napangiti ako ng may maisip ako. "Why don't we try to solve Eilia's case instead? Let us make our own investigation?" "Ruxle nakalimutan mo? Kinausap ko na noon si D-Doctor Enrique tungkol sa nangyari kay Eilia. Tinanong ko siya kung pupwede ba akong lumabas pero sabi niya kinausap raw siya ni Professor Ronaldo at hindi siya pinayagan." Hirap pa rin siyang banggitin si Doctor Enrique hanggang ngayon. I shook my head. "Follow me." I commanded, she didn't speak, she just follow me like what I said. We walk toward my room. Obviously trying to save myself not to telling her what happened during the FaceTime between me and Lilly and trying to avoid the neverending argument between me and dad. When we reach my room I let her get inside then I leave my door's room open. "Ayos naman sayo kung dito na tayo ano? O gusto mo sa library nalang, mas tahimik naman doon?" "Sa Library." She answered that made me raise my brows. "Library?" Gulat na aniya. Tinignan niya ako sa mga mata at paulit-ulit na umiling sa akin. "Ruxle huwag! Huwag sa library." Lutang. "Whatever." I simply said. Maybe she remembered what happened a months ago just because I talk to her inside the library. "Let's prepare something to eat first." Tumango lang siya saka sumunod sa akin. "May storage ka ng sarili mong pagkain rito?" "Some snacks." "Mmm..." I took the cereals out of the box with the milk. "Teka anong cereals? Hindi ka pa ba nag-aalmusal?" "Ginising mo ako ng maaga kanina tapos naidlip lang ako sandali, pagkagising ko naligo ako sunod noon ay dumating si Manang Esmeralda. Tawagan ko na raw ang tatawagan ko. After the call I waited to you in the graden for more than a few minutes." "Sa madaling salita hindi ka pa nag-aalmusal." "Exactly. What about you? Did you breakfast already?" "Nagluto ako ng bistek para kay Starth sinabay ko na rin amg agahan natin at... hindi pa nga ako nakakapag-almusal." "You cook but you haven't eat yet." "Nagpasuyo pa kasi si Starth kaya hindi agad kami nakakain." "Nagpasuyo? May ipinagawa o nagtampu-tampuhan?" "Nagtampu-tampuhan." I look at her in disbelief. "He's lucky. May taga-suyo." "May problema ba doon?" "Base sa sinabi mo parang ang labas tuloy sa akin ay boyfriend mo siya." "Wala lang iyon, Ruxle kaya please lang huwag kang maging malisyoso, pwede?" Nagkibit-balikat ako. "Fine." "Masarap at healthy ba ang cereals?" Hinalo ko muna ng hinalo ang gatas bago sagutin ang tanong niya. "There are cereals that are not healthy but this one is some what healthy still better for breakfast consumption but not as good as eating a rice in the morning." "Sabi mo eh." "Don't worry, Millicent. We'll eat the bistek that you cook, okay?" "Kailan mamayang tanghali?" "Nagtatampo ka?" "Hindi ah. Ang sinasabi ko lang niluto ko iyon para sa agahan." "Agahan? As long as hindi pa pumapatak ng alas-dose ng tanghali, agahan pa rin iyon." "Agahan nga siguro pero hindi normal na agahan." "Exactly." "Here." Inabot ko sa kaniya ang isang mangkok ng cereals. "Dapat ba laging may gatas ang cereals?" "Hindi naman. Cereals pa rin naman iyan kahit walang gatas----sandali nga, Millicent pwede huwag ka munang magtanong ng magtanong." "Bakit naman bawal ako magtanong ng magtanong?" Naipikit ko ang mga mata ko dahil sinabi ng huwag muna siyang magtanong ng magtanong pero nagtanong na naman siya. For Pete's sake! I didn't bother to anwser her last question. Tumungo ako sa mismong kama ko at doon inilatag ang ang mga gamit na kailangan naming gamitin. "Sa kama mo tayo kakain ng cereals? Paano kung matapon ang gatas nitong cereals diyaan sa kama?" Another question. Again. "Sa sahig ka kumain." "Paano kung itong carpet naman ang matapunan?" I massage my temple while preparing some papers, markers and colored pens. "There's a round table over there. You can use that to eat peacefully without asking to many questions." "Okay." Nakangiti siyang tumango at naupo kung saan ang lamesang itinuro ko. What the f×ck is wrong with her? "Ang sarap ng cereals na gawa mo Ruxle." "Thank you." "Bakit masarap ito?" "Doctors and future doctors are good cooks, you know?" Naiirita ako kanina dahil marami siyang sinasabi ngayon naman naiirita pa rin ako dahil nanahimik siya bigla. D×mn your mood, Ruxle! Tinignan ko si Millicent na tulala na sa kinauupuan niya ngayon habang nakatingin sa mangkok ng cereals. "What's wrong?" "Ha?" Walang kabuhay-buhay na tanong niya. I saw the pain in her eyes. Did I say something that hurt her? "May nasabi ba akong mali?" "Uh... w-wala naman Ruxle." "You sure." Muli siyang natahimik at nagpatuloy nalang sa pagsubo ng cereals. May gusto siyang sabihin, I can feel it. "What's the matter? Can you tell it to me?" Nag-aalangan siyang lumingon sa akin bago magsalita. "Sabi mo kasi doctors and future doctors are good cooks." "Bakit mali ba ang grammar ko?" Napakamot ako sa ulo ko habang iniisip kung mali ba ang grammar ko sa sentence na iyon. "Noong Blue Hour noong nakaraang buwan kasi pagkaturok sa akin ng gamot ni Professor Ronaldo, pagkagising ko nagpresinta si D-doctor Enrique na ipagluto ako ng lugaw alam mo ang sarap-sarap ng lugaw niya. Maging iyong sinigang na niluto niya kagabi ay masarap. Tama ka sa sinabi mo na magaling kayong future doctors at doctors na magluto." So that's the problem. Naalala niya si Doctor Enrique. "I didn't mean to----" "Normal at talento mo na ang pagiging mayabang mo Ruxle pero alam ko naman na hindi talaga iyon ang intensyon mo. Huwag kang mag-alala hindi naman ako galit sa iyo. Kusa ko lang talagang naalala si papa." "Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin matanggap ano?" "Ang alin?" "Na kahit paulit-ulit mong sabihin na kakalimutan mo ng nakilala mo ang papa mo ay hindi mo pa rin maiwasang alalahanin siya." Huminga siya ng malalim bago mangalumbaba. "Iyon na nga eh. Sabagay, hindi mo ako masisi. Matagal kong ginusto makita si papa tapos ganoon pa ang nangyari." "I understand your point but I cannot relate to your situation at all." "Ayos lang Ruxle basta naiintindihan at iniintindi mo ako." "Halos lahat tayo may problema sa mga tatay natin ano?" Nasabi ko nalang after realizing Starth's situation to his late father, Millicent's situation with Doctor Enrique, Thimo's breaking relationship with Professor Mateo and of course my relationship with my dad. "Kanina mo pa ako tinatanong at kinakausap patungkol ng patungkol sa sarili ko. Hindi ko pa nagagwang marinig ang nangyari sa break up ninyo ni Lilly." "Huwag ka ng maki-chismis, Millicent." "Hindi ako chismosa ano." "Talaga?" "Oo nga pero talaga bang binreak mo si Lilly on phone?" I rolled my eyes. "Nagtanong ka pa rin Millicent but no. I didn't break up with her on phone." Namilog at namamanghang napatingin siya sa akin. Like what I am expecting from her. "Talaga?" "Yes. Since I didn't break up with her on phone because I break up with her on laptop." ──────⊱◈◈◈⊰──────
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD