MILLICENT'S POV Mukhang hindi epektibo ang laser sa Evolus subalit nagpatuloy ako sa pagtira sa kanya gamit ang laser mula sa name plate ko. Lalong bumilis ang takbo ni Ruxle habang pabilis din ng pabilis ang paghabol sa amin ng Evolus. "Ano kaya pa?" Tanong ko kay Ruxle na hirap na sa pagtakbo. "I don't know what answer should I give to you." Umiling nalang ako at ni-laser ulit ang kalaban, sa kasamaang palad kami ang tinira niya pabalik, muntikan na kaming maglaho ng tuluyan ni Ruxle dahil sa baril na gamit niya mabuti nalang at nailagan iyon ni Ruxle iyon nga lang, pareho na kaming nakasalampak sa sahig ngayon. "Damn! Ayos ka lang?" Sapo-sapo ko ang dibdib ko sa mga oras na ito. Parang lumalim ang sugat ko, nagsimula ring manikip ang dibdib ko, nahihirapan akong huminga. Ano b

