MILLICENT'S POV "Nagtanghalian ka na ba?" Tanong sa akin ni Mama at umiling naman ako. "Tara na dito, maghahain lang ako sandali." Tumango lang ako bilang tugon, inilapag ko sa upuan ang mga gamit ko saka tinanggal ang sapatos ko. Ipinikit ko ang mga mata ko sandali para ipahinga ito. "Hindi ba hassle suotin ang sapatos mo? Hindi masikip?" Naidilat ko ang mga mata ko at ilang ulit na kumurap, akala ko si Qatara ang kaharap ko. Hindi pa ako naghahalusinasyon noong nakaraan pero ngayon talagang naghahalusinasyon na ako. Umayos ako ng upo para maharap si Amelou. "Medyo masikip na pero napagtyatyagaan pa naman ng paa ko. Kung manlalait ka na naman doon ka na." "Hindi ako manlalait ah." Itinaas niya ang kaliwa niyang kamay na akala ko naman ay nanunumpa saka ngumiti. "Promise, hindi talag

