ELOI'S P O V Napalitan agad ang saya naming mag - asawa nang mabalitaan naming dinala sa ospital ang kan'yang Daddy dahil sa mild stroke. Pero ang advice ng kanilang family Doctor ay mag - pahinga ng ilang buwan. Kaya no choice si Lance kundi palitan ang kan'yang ama sa position nito sa kumpanya. Gaya lang din naman sa amin iyon, kahit gusto ko ngang magtayo ng sarili kong business like coffee shop ay hindi pwede. Dahil need naming sa family business muna magtrabaho. Kaya naiintindihan ko kung ano man ang maging decision n'ya. Iyon nga lang, hindi muna s'ya makaka - punta ng matagal sa kan'yang Bar. " Ayaw mo bang pumasok ako sa kumpanya? " malambing na tanong ni Lance sa akin habang nagmamaneho s'ya pabalik ng Ospital. Pupunta kasi s'ya sa kan'yang Bar at ibibilin muna ang sarili negos

