ELOI'S P O V ELOI'S P O V " Baka naman wala na tayong maitulog mamaya kung matutulog ulit tayo ngayon? " pahayag ko habang nagsusuklay ng mahaba kong buhok na malapit na sa balakang ko ang dulo nito. Saharap na salamin pero walang vanity table. Inaaya kasi akong matulog ni Lance pagkatapos naming mag - paligaya este maligo sa banyo, habang hinihintay raw kaming tawagin para sa dinner. " Wala naman tayong gagawin dito kaya matulog na lang tayo. " tugon naman n'ya na nakahiga na sa malapd at malambot na kama. Naka - unan pa ang kanyang dalawang braso kaya bumabakat ang sawa este ang maskulado n'yang mga braso. " Ayoko namang makita 'yung dalawang bruha sa labas! " inis pa n'yang sambit kaya mahina lang akong natawa, kung magsalita kasi ay parang hindi n'ya kapatid iyong pinag - salitaan

