ELOI'S P O V
Sobra - sobrang kahihiyan ang inabot Ko ngayong Gabi. Ano na lang kaya ang sasabihin ni Lance sa Kanyang nalaman? Ito na nga ba ang sinasabi Ko kaya ayokong makipag - close sa mga Lalake. Baka nga kasi ma - turn off Sila.
Palihim na lang Akong humuhugot ng malalim na buntong hininga para hindi marinig ng katabi Ko sa harapan ng Kotse Ko. S'ya pa rin ang nag - drive Nito pauwi sa Bahay Namin. Mag - taxi na lang daw S'ya para makabalik sa Kanyang Bar.
" Thank You! Naabala pa tuloy Kita! " kiming saad Ko pagkarating Namin sa harap ng Bahay Namin, inihinto muna N'ya sa gilid ng Kalsada ang Sasakyan Ko. Nakababa na rin Kami at naghihintay na nga S'ya nang dadaang Taxi.
" You're welcome! Ang sabi Ko naman Sa'yo ihahatid Kita 'di ba? " matamis ang ngiting tugon N'ya kaya napalunok na lang Ako ng Sariling laway dahil sa pagkaka - titig N'yang iyon kaya nag - rigodon na naman ang lamang loob Ko yata sa loob ng Katawan Ko.
" Eloi! Ikaw ba 'yan!? " dinig Naming tawag sa Pangalan Ko sa loob ng Bakuran Namin, kaya naputol ang iba pa sana Naming sasabihin.
" Opo! Mommy! " may kalakasang tugon Ko dahil nakaharang pa sa Amin ang malaki at mataas Naming Gate.
" Bakit hindi muna Kayo pumasok sa Loob at nang makapag - kape. " masuyong bungad naman ng Aking Ina nang buksan N'ya ang maliit na Pinto ng pintuang Bakal.
" Magandang Gabi po! " magalang na bati naman ni Lance
" Ahm! Aalis din po kasi S'ya, Mommy, babalik po sa Kanyang Bar, kaya hindi Ko na po pinapasok. " kina - kabahan Ko namang tugon, pagkatapos Kong humalik sa Kanyang Kanang Pisngi. Bali Ngayon lang kasi Ako nagsama ng Lalake Dito sa Bahay Namin, kahit hinatid lang naman N'ya Ako. 'Yung iba kasi ay kusang pumupunta para nga manligaw.
" Oo nga po, marami pa naman po sigurong susunod na pagkakataon. " matamis ang ngiting tugon pa ni Lance. Pagkatapos Ko Silang ipakilala sa Isa't isa.
" Kung sabagay! Sa Bar ba Kayo nagkita Nitong Dalaga Ko? " magiliw namang tanong ulit ni Mommy
" Ahm! Hindi po, Ma'am! " mabilis naman N'yang tugon, " Kaibigan Ko po si Ivan, Asawa po ni Lea. " pakilala pa N'ya, nakalimutan Ko nang sabihin iyong Kanina dahil sa nerbyos. " Ihahatid Ko na po sana S'ya Dito, sakto naman pong malapit lang itong Bahay N'yo sa Bar, kaya po sumaglit lang po Kami sandali Duon. " paliwanag pa N'ya, tumango - tango lang naman si Mommy
" Kung ganuon ay maraming salamat at safe na nakauwi itong Bunso Namin. " naka - ngiti na ring saad ng Aking Ina.
" You're welcome po, Ma'am! " masuyo na N'yang tugon sabay yuko pa.
" Sige po, Ma'am, nice meeting You po, Eloi, balik na Ko sa Bar. " paalam na N'ya nang may dumaang Taxi na pinara N'ya.
" Sige! Thank You ulit! " kiming tugon Ko naman, tumango lang ang Aking Ina sa Binata tsaka lang S'ya sumakay sa naka - hintong Sasakyan.
Sumakay naman ulit Ako sa Kotse Ko at ni - drive ito papasok sa Garahe Namin. Naglakad naman na si Mommy hanggang sa loob ng Bahay. Ang Family Driver na Namin ang nagsara ng Gate pagka - pasok Ko.
" Nag - asawa na pala si Lea?! " takang tanong ni Mommy nang paakyat na Kami sa Second Floor ng Aming Bahay. Hatinggabi naman na rin kasi kaya hindi na Kami makakapag - kwentuhan.
" Opo, 'My! Kahapon lang po. " natatawang tugon Ko naman, naiisip Ko kasi ang hirap Namin sa paghahanap ng magiging pretend Boyfriend N'ya na akala mauubusan Kami ng Lalake tapos Isang Click lang, may Asawa na agad S'ya!? Blessing in disguise rin ang nangyaring pagkakahuli Nila sa Notorious Syndicate, dahil kasi sa Duon ay natamaan nga S'ya ng bala ng B@ril kaya nakapag - pahinga S'ya sa Kotse ng Binata.
" Akalain Mo nga naman! " natatawa ring sambit ni Mommy, " Ganuon talaga ang Love, kusang dumarating at hindi hinahanap. " wika pa N'ya kaya tumango lang Ako.
S'yempre, hindi Ko na sasabihin sa Kanila ang dahilan ng biglaang pagpapa - kasal ng Kaibigan Ko. Nakaka - hiya rin naman kasi ang nangyari.
" Good Night! Anak! Sweet Dreams! " malambing na paalam ni Mommy sa Akin at niyakap pa Ako tsaka hinalikan sa Pisngi.
Nasa tapat na kasi Kami ng Pinto ng Kwarto Ko, mauuna ang sa Aming magkakapatid, nasa dulo naman ang Kwarto ng mga Magulang Namin na S'yang Master's Bedroom.
" Good Night, Too! Mommy! " ganti Ko rin naman paalam sa Kanya at ginaya ang Kanyang ginawang pagyakap at paghalik.
Pagkasara naman ng pinto ay hindi Ko napigilang mapatili ng mahina. Sigurado kasing dinig sa labas ang tili Ko kapag malakas.
Kumakanta pa Ako at tila naglalakad sa alapaap habang naglilinis ng Katawan sa loob ng Banyo. Para naman Akong kiti - kiti dahil hanggang sa makahiga Ako sa malambot Kong Kama ay kinikilig pa rin Ako. Nakuha Ko pa ngang magpa - gulong - gulong sa ibabaw noon habang nagde - daydream.
Subalit, agad din namang napawi ang kasiyahan Ko nang maalala Ko ang kaganapan Kanina sa Kanyang Bar. Baka nga pala na turn off S'ya dahil sa nalamang weaknesses Ko.
Sabi nga sa kasabihan at kung Ano ang saya Mo Ngayon, siguradong may naghihintay na kalungkutan. Ganuon na ganuon ang nangyari sa Akin. Kaya umayos na Ako nang higa para matulog. Back to work na kasi Ako Bukas dahil magiging busy na si Lea sa bagong Buhay na tatahakin N'ya Ngayon.
" Minutes lang pala ang kagalakan Ko, hindi man lang pina - abot ng kahit Kinabukasan. " Bulong Ko naman sa Sarili Ko sabay buga ng hangin.
Kaya mangiyak - ngiyak Akong nag - talukbong na lang ng kumot at pigil - pigil ang pagtulo ng mga luha Ko. Pinilit Ko na lang na pumikit at hindi na mag - isip ng kung Ano - ano para makatulog Ako agad. Hindi pa naman kasi nag - uumpisa ay Broken Hearted agad Ako, masakit na. Paano pa kaya kung naging Kami pa, 'de mas lalong masakit?
Pero hindi Ko naman sinisisi ang mga Magulang Ko o si Yaya Beb kung ganito Ako lumaki. Alam Ko naman na over protected lang Sila dahil nga nag - iisa Akong Anak na Babae. Mas gugustuhin Ko pang maging ganito Ako o tumandang Dalaga kung walang magmamahal sa Akin. Kesa naman Liberated na maraming Lalake ang natitikman at bastusin sa Kanilang sinusuot.
Hanggang sa hindi Ko na namalayan nakatulugan ko na ang labis na pag - iisip, hindi ko na nga alam kung anong oras na 'yon. Ngayon nga lang ako nakatulog na masama ang loob ko, hindi dahil merong problema sa Kumpanya o napa - galitan ng Pamilya Ko. Kundi dahil para kasing nasawi agad ako sa pag - ibig.