KABANATA 3

1509 Words
LANCE'S P O V " Good Morning po, Mommy, Daddy! " bati Ko sa Aking mga Magulang sabay lapit sa Kanila at Halik sa mga Pisngi. " Good Morning, too! Kain na, " ganting bati Nila at aya na ring Kumain. Kaya umupo na Ako sa Kaliwang panig ng Hapag Kainan, katapat Ko si Mommy na nasa Kanan naman ni Daddy, S'ya kasi ang nasa Kabisera ng Lamesa. " Isang Linggo na lang ang hinihingi Mong extension, " paalala naman ni Daddy, tahimik nga lang Kaming Kumain at hinintay N'ya lang pala Kaming makatapos tsaka N'ya sinabi iyon. " Opo! " magalang Ko namang tugon sabay inom ng Tubig na nasa Baso sa Aking harapan, mabuti na rin at tapos na Kaming Kumain nang banggitin N'ya iyon. Dahil nga Trenta y Singko Anyos na Ako ay humihirit na Sila sa Aking ng Apo. Ako kasi ang Panganay sa Aming Limang magkakapatid at Dalawa lang Kaming Lalake,Bunso pa ang Isa. Ang sumunod sa Aking Babae ay may Asawa na at Dalawang Anak. Masyado na raw Akong Matanda para magbuhay Binata pa. Kaya ang sinasabi Nilang One Week na lang ang palugit Ko ay ang pagrereto Nila sa Akin sa Anak ng Bestfriend ni Mommy na si Linda. Matanda lang Ako ng Tatlong Taon sa Kanya pero ayoko sa Kanya dahil Mukhang Liberated. Baka nga hindi na S'ya Virg!n, hindi man Duon nasusukat ang tunay na pagmamahal pero ayoko namang pag - tawanan Ako ng mga Lalakeng naging Ex N'ya. Kaya nga nagagalit Ako sa Kaibigan Naming si Ivan sa paglalaro N'ya sa mga Babae. Kung sabagay, kung ayaw naman Nila wala namang magagawa itong Isa, gusto rin Nila kaya tuwang - tuwa naman lagi ang Imbutido ng Doctor Kong Kaibigan. Wala naman Akong magagawa dahil sinuway Ko na nga Sila na i - manage ang Business Naming Food & Beverage Products. Nasa Bar nga kasi ang hilig Ko, kaya nanghingi Ako ng pataan na kapag wala Akong nakilala ay tsaka Nila Ako ipakasal sa Anak ng Kaibigan Nila. " Hindi Ko po nakakalimutan. " Saad Ko pa, pero tumatakbo na sa isip Ko kung Saan Ako makakakita ng magiging Girlfriend. Ayoko namang mag - panggap lang Kami na may Relasyon. Gusto Ko iyon talagang Mahal Ko, kahit naman kasi ka - lalake Kong Tao ay Hopeless Romantic naman Ako. " Ahm, wala na po ba Kayong sasabihin? Pupuntahan po kasi Namin Ngayon si Ivan sa Ospital. " paalam Ko pa, kahit naman pina - pakialaman Nila ang tungkol sa pag - aasawa Ko ay dapat Ko pa rin Silang igalang. " Wala na! Nire - remind Ko lang ang napag - kasunduan Natin. " tugon naman ni Mommy " Opo, Sige po, akyat po ulit Ako sa itaas para magbihis, dadaanan lang po Ako Nila Arnold. " magalang Ko pang sambit at tumayo na nga Ako para tunguhin ang Aming marangyang Hagdan. Isu - surprise kasi Namin si Ivan, hindi kasi matuloy - tuloy ang pagpapa - kilala N'ya sa Kanyang Asawa sa Amin. Kaya pupuntahan Namin sa pinag - tatrabahuhan N'ya para wala na S'yang alibi. Nagulat na lang Kami at sinabi N'yang Kasal na S'ya nu'ng Umaga pero nu'ng Gabi bago iyon nangyari ay magkakasama pa Kaming Apat na magka - kaibigan sa Club Ko. Dahil nga Isa lang ang tutunguhin Namin ay napag - usapang Isang Sasakyan na lang ang Aming gagamitin. Dahil si Arnold ang malayo ay S'ya ang susundo sa Amin ni Benj papunta nganga Mateo - Maborang General Hospital. Sakto namang diretso lang ang magiging Byahe Namin. Ilang sandali nga ay bumi - byahe na Kami, dahil Ako ang huling dinaanan ng Dalawa Kong Kaibigan. Kaya sa Likod Ako ng Kotse umupo. Busy ang Dalawa sa pinag - uusapan Nilang Negosyo kaya nakapag - isip pa Ako ng tungkol sa problema Ko. Wala ngang nalalaman ang mga Kaibigan Ko sa problema Kong ito, nakakahiya naman kasi, samantalang itong Dalawa sa unahan at tungkol sa Negosyo ang problema Nila. Kaya ayoko nang sabihin, kay Ivan naman ay baka puro kalokohan lang ang ipayo sa Akin, dahil alam nga Naming Womanizer S'ya, kaya nag - atubili Akong ipag - tapat sa Kanya. Natauhan lang Ako nang ihinto ni Arnold ang Sasakyan sa Parking Lot ng Ospital. Sa lalim pala ng iniisip Ko ay hindi Ko nalaman na bumili pala Sila ng Pizza. Para naman may Meryendahin Kami habang hinihintay Namin ang out N'ya sa Ospital. S'yempre, sinigurado muna Naming Nandirito S'ya at baka nasa Honeymoon na Sila. Wala naman daw mangyayaring ganuon dahil marami S'yang naka - schedule na ooperahan. Tinawagan Ko muna S'ya sa Kanyang Cellphone para alam Namin kung Saan S'ya pupuntahan pero Nandito na Kami sa harap ng Pinto ng Kanyang Private Office. Baka lang kasi nag - round pa S'ya sa Kanyang mga Pasyente. Pero nu'ng sinabi N'yang nasa loob S'ya ay natatawa Kaming pumasok. Hinintay na nga Namin ang Oras ng out N'ya, Tanghali naman na. Sa Condo Unit Nila Kami Kakain ng Dinner at nang makilala rin Namin ang Kanyang Asawa. Pero hindi Namin alam na Duon Ko pala makikita ang sagot sa problema Ko. Dahil hindi lang pala Kami ang Bisita ng Mag - asawa bang Gabing iyon. Pati pala ang nag - iisa daw Kaibigan ni Lea na si Eloi. Ewan Ko ba, pagka - kita Ko pa lang kay Eloi ay parang may nag - rigodon na kung Ano sa loob ng Dibdib Ko. Dahil sa sobrang lakas nang kabog Nito. Kaya hindi na Ako umalis sa Kanyang tabi at naka - alalay naman Ako sa Kanya sa Pagkain. Hindi Ko naman pinapansin ang kantyaw ng Aking mga Kaibigan. Hindi naman dahil sa Kailangan Ko S'ya, iba talaga ang feeling Ko sa Kaibigan na ito ni Lea. May parang kuryente pang nanulay sa Buong kalamnan Ko papunta sa Aking Imbutido, nang magka - dikit ang Aming mga balat. Wala na nga Akong naintindihan sa kinu - kwento ni Ivan kung paano Sila naikasal agad ni Lea. Ang buong atensyon Ko kasi talaga ay nakatuon lang kay Eloi. Kahit umiinom na Kaming Apat na nakalalasing na inumin sa Mini Bar ni Ivan ay hindi Ko pa rin maialis ang tingin Ko sa Kanyang maamong Mukha. Mabuti at hindi Ako napapansin ng Tatlo, nasa Living Area lang kasi Sila at nanunuod ng palabas sa T V, kasama si Lea at Lola ni Ivan na S'yang nagpalaki sa Kanila ng Kanyang Kapatid na Bunso. Hindi naman Namin alam kung Nasaan ang Mommy N'ya, parang ayaw N'ya kasing pag - usapan Namin ang tungkol sa Kanya. Alin Ko na lang ay hilahin ang Oras para maubos na Namin ang Alak na Aming iniinom para maka - uwi na Kami. Sakto naman kasing wala Akong ginamit na Kotse. Aalukin Ko S'yang Ako na ang mag - drive ng Sasakyan N'ya. Para malaman Ko tuloy kung Saan S'ya nakatira. Mabuti naman at pagka - ubos ng Isang Boteng Wine ay nag - aya na si Benj na umuwi. Kaya nagpa - alam na Kami kay Lola Henia, ang mga bagong Kasal naman ay hinatid pa Kami hanggang ibaba ng Condo Building. " Uy! Ingatan Mo 'yang Kaibigan Ko, ha! " pagbabanta naman ni Lea nang makasakay na Kami sa Kotse, pumayag nga kasi si Eloi na ihatid Ko S'ya sa Bahay Nila. " Oo naman! Ako pa! " mabilis Ko namang tugon at sumaludo pa Ako sa Misis ng Kaibigan Namin. " Saan ba Kayo nakatira? " malumanay Kong Tanong sa katabi Ko sa harapan ng Kotse. " Oh! Malapit lang pala sa Bar Ko! " bulalas Kong tugon nang sabihin N'ya ang Lugar, " Pasyal muna Tayo, gusto Mo!? " aya Ko sa Kanya, Duon naman talaga ang tungo Ko pagkalabas Namin sa Condo Nila Ivan, nakilala Ko nga lang S'ya kaya ihahatid Ko muna sa Bahay Nila. Tsaka lang Ako pupuntang Bar pagka - hatid Ko nga sa Kanya. " Hindi ba nakakahiya? " kiming tugon naman N'ya, kaya bahagya Akong natawa. " Ano naman ang ikakahiya Mo!? Ihahatid pa rin naman Kita, pasyalan Ko lang ang Bar Ko, hindi Tayo iinom. " tugon Ko naman at tinutumbok na ng Kotse N'ya kung Saan ang Lugar ng Negosyo Ko. " S - sige! Pero sandali lang, ha!? May Work na kasi Ako Bukas e. " kiming tugon pa rin N'ya at nakita Ko pang pini - pilipit N'ya ang Kanyang mga Daliri sa Kanyang Kandungan. " Sure! No problem! " malaki ang ngiting tugon Ko naman, galak na galak talaga Ako ng mga Oras na 'yon. Para nga Akong Teenager na Ngayon lang pinayagan na makipag - date. Ang mas lalong nakapag - pataba pa ng Puso Ko, nang mapag - masdan Ko ang Kanyang Kilos ay napaka - finesse, pati ang Kanyang pagtawa ay mahinahon at ang paglakad ay parang binibilang pa N'ya sa paghakbang. Ang Pag - aasawa lang pala ni Ivan ang magiging susi rin sa Aking problema. Pero sa paraan na gusto Ko si Lea hindi iyong gagamitin Ko lang S'yang mag - pretend Girlfriend or Wife.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD