ELOI'S P O V Naka - ilang ikot na Ako sa harap ng salamin ng aking kwarto. Bagong bili ko pa nga ang suot na dress na kulay navy blue na hanggang binti ko ang haba at may sleeve na maigsi at may maliit na tali sa baywang. Ngayon kasi pupunta si Lance para mag - dinner, iyon kasi ang usapan namin kagabi. Nu'ng sinabi ko nga kay Mommy na dito kakain ang nobyo ko ay tiningnan na ako ng makahulugan. Kaya natatawa lang akong pumasok na sa company. Naaalala ko pa nga ang napag - usapan namin kaninang umaga, kasama si Yaya. " Mukhang may inililihim na ang aming dalaga. " nanunuksong sambit ni Mommy " Meron ba kaming hindi dapat malaman na hindi pa namin alam? " pailalim namang tanong ni Daddy. " Eh, Mamaya na pong gabi, basta po dito raw po s'ya kakain ng dinner. " nagkakamot ng kilay na

