PROLOGO

964 Words
THIRD PERSON P O V "Yaya! 'Ya! Help!" umiiyak na sigaw ng Dose Anyos na Dalagita sa Kanyang Tagapag - alaga. Tumatakbo kasi S'yang pumasok sa Kanyang Silid Tulugan, para nga maka - usap ang Kayang Yaya. Nag - ayos kasi ito ng Kanyang mga Damit sa Kanyang Cabinet. "Bakit!? Ano nangyari Sa'yo!?" nag - alaala namang tanong ni Yaya Beb sa Kanya, bigla pa nga Nitong inihagis ang tinitiklop na Damit at sinalubong S'ya sa may pinto. "Yaya! May dug0 po!" palahaw pa rin N'ya nang iyak, sabay turo sa Kanyang suot na short. "Saan may dug0?!" nag - aalala naman Nitong Tanong at tiningnan pa ang Kanyang suot sa likod at harapan. "Wala naman eh!" kunot Noong tanong pa N'ya "Sa loob po! Meron! Sa Undies Ko!" humihikbi pa N'yang sambit, sabay turo ulit sa Kanyang suot na Short. Inaya naman S'ya ng Kanyang Yaya sa loob ng Banyo at Duon S'ya hinubaran ng suot. "Oh! Ikaw talaga!" nangingiti na naiiling na lang ito sa nakita sa Undies N'ya. "Bakit po nangingiti pa Kayo, eh, may sugat na nga po Ako!?" humagulgol pa S'ya ulit nang iyak. Natawa na nang tuluyan si Yaya Beb at isinuot ulit sa Kanya ang Short tsaka S'ya niyakap nang mahigpit. Naaawa man S'ya sa Kanyang Alaga ay wala naman S'yang magagawa. Over protected naman kasi ang Pamilya Nito sa Kanya. Kaya ayan tuloy, walang kamuwang - muwang sa Mundo. Walang alam ng tungkol sa mga Lalake at sa ibang bagay, kaya pati pagkakaruon ng Buwanang Dalaw ay hindi rin N'ya alam. Palibhasa kasi ay Menopause Baby kaya ingat na ingat Sila kay Eloi tapos nag - iisang Babae pa sa Apat na magkakapatid. "Ssshhh! Hindi 'yan sugat, meron Ka nang tinatawag na Period." inakay pa N'ya ito palabas ng Banyo at tinungo Nila ang Kama tsaka tabi Silang umupo sa ibabaw nito at inayos N'ya ang mga Buhok na tumatabing sa maamong Mukha ng Kanyang Alaga. Dalagita na pero ang isip ay para pa ring nasa Pitong Taong Gulang. Puno pa nga ang pawis sa Buong Katawan dahil sa kalalaro sa labas, kasama ang mga Pinsan N'yang sa katabing Bahay lang Nila nakatira. "Ano po 'yong Period?" ignorante pa rin N'yang Tanong, kaya bahagya lang natawa si Yaya Beb. "Iyon ang Buwanang dalaw, nagkakaruon talaga N'yan ang mga Babae." malumanay naman Nitong paliwanag. Tsaka ang iba pang mga consequences nang pagkakaruon N'ya ng regla. Pagkatapos magpaliwanag ay inalalayan na N'ya itong tumayo at pumasok ulit Sila sa loob ng Banyo. Itinuro N'ya Dito ang tamang paglalagay ng Sanitary Pad sa Kanyang Undies tsaka kung paano ito ibabalot kapag itatapon na. Meron na talagang stock si Yaya Beb no'n dahil kung sakali ngang magkaruon ng Buwanang dalaw ang Kanyang Alaga ay alam na Nito ang mga gagawin. Pero sinabi N'yang maligo muna ito bago magsuot ng Undies na may Pad nga. Binilin din N'ya ang mga dapat at 'di dapat gawin ng Babaeng dinadatnan na ng regla. "Dalaga Ka na, kaya h'wag Mo nang gagawin iyang makipag - laro sa mga Pinsan Mong mga Bata pa." sa dami ng mga binilin N'ya ay hindi naman N'ya alam kung naiintindihan ba ng Kanyang Alaga. Matalinong Bata naman si Eloi sa Kanyang pag - aaral, iyon nga lang ignorante pa sa ibang bagay. Mayaman naman kasi ang Kanilang Pamilya kaya kahit pagwawalis ay sa mga Kasambahay Nila inu - utos. Tapos ginagawa pang Baby ng Kanyang mga Magulang at Tatlong naka - tatandang Kapatid na Lalake. Pero simula naman Nuon ay nag-iba na kahit papaano ang Kanyang kilos at pananamit. Hindi na nga nakikipag-laro sa mga Pinsan N'yang mas Bata sa Kanya. Mas nagkaruon din ng kurba ang Kanyang Katawan, sa mga hindi nga nakaka - kilala sa Kanya ay aakalaing hanap na S'yang Dalaga talaga. Subalit iyong ka - ignorantehan N'ya ay nanduruon pa din. Taong Bahay lang din kasi S'ya at Iisa lang ang Kaibigan sa School na si Lea. - - - "Aaaaahhhh!" tiling sigaw N'ya, Isang Hapon na pagka - uwi N'ya from School ay nagpapa - hangin Sila ng Kanyang Yaya sa Kanilang malawak na Garden. Marami itong Halamang tanim na namumulaklak na agala ng Kanyang Mommy. Agad naman S'yang pinuntahan ng Kanyang Yaya na busy sa paglalagay ng Juice sa Kanilang Baso. Naka - silip kasi si Eloi sa Isang Halamang malago ang mga Dahon. "Ay! Jusko Ko po! Santisima!" bulalas na tugon ni Yaya pagka - kita din N'ya sa tinitingnan ng Kanyang Alaga. Walang ingay tuloy N'ya itong hinila palayo sa mga Halaman at ini - upo sa Garden Chair na pwesto Nila Kanina. "Ano po 'yon, Yaya?" nanlalaki pa ang mga Matang Tanong ni Eloi habang hinihingal at naka - takip sa Kanyang Bibig ang Isang Kamay N'ya. "Ahm!" hindi naman malaman ng Kanyang tagapag - alaga kung Ano ang sasabihin. Nahihirapan na din kasi S'yang mag - explain Dito. Palagi kasing busy sa Trabaho ang Kanyang mga Magulang kaya kahit nasa High School na S'ya ay Alaga pa din N'ya ito. "H'wag Mong gagayahin ang ginagawa ng Mang Kuya Mo at Girlfriend N'ya! Kapag ginawa Mo 'yon, naku! Mabubuntis Ka!" pananakot na lang N'ya, pero naghahalikan lang naman ang Dalawa, mabuti na nga lang at iyon pa lang ang nakita ng Kanyang Alaga, Paano pa kaya kapag actual na S3x na. "Talaga po!?" takot pa Nitong tugon at dinalawang Kamay pa ang naka - takip sa Kanyang Bibig. Tumango lang naman ang Kanyang Yaya tsaka S'ya niyakap na mahigpit. Iyon lang naman ang nakita ni Eloi na pinaka - mahalay sa buong pagdadalaga N'ya hanggang sa tumanda at naging ganap na Dalaga. Napag - sabihan na kasi ng Kanyang Yaya ang mga Kapatid N'yang Lalake na mag - ingat sa susunod kapag isasama ang Kani - kanilang mga Girlfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD