ELOI'S P O V Iba ang kutob ko sa babaeng kasama ng ate Marge ni Lance. Ang arte - arte kasi, lalo na kapag tumatawa, para namang baboy na umo - oink oink. Kaibigan daw ni Ate Marge ng nobyo ko, kaya welcome pa rin naman s'ya. Pero hindi na s'ya nahiya dahil family gathering nga kasi ito? Kung sabagay, hindi pa nga rin pala ako legit na member ng family Empaynado kaya same nga lang pala kaming outsider. Nag - umpisa na kaming kumain, naka - tayo lang kami at naka - paikot sa buong lamesa, kasabay rin naming kakain ang mga caretaker nila rito sa Rest house. Kamay lang ang gamit namin sa pagkain dahil mga seafoods ang ang mga naka - hain. Nasa kaliwa ko si Lance, katabi n'ya 'yung Linda raw ang pangalan na kaibigan ni Marge. Ayaw naman n'ya kasing magpa - tawag sa akin na ate kaya by nam

