THIRD PERSON P O V " Malapit na raw po sila Nanay Flor! " excited na wika ni Eloi sa nanay - nanayan n'ya. Nakabihis na rin s'ya, at marami na rin ang inihanda nilang pagkain para sa pananghalian. Dito pa sila nag - ayos ng table sa ilalim ng puno ng mangga para makasagap daw ng fresh air. Malapit na rin kasing mag - summer kaya mainit na sa lalo na sa loob ng bahay. Sila Rina at Lea ang tinutukoy ni Eloi. Nakakalakad na kasi ulit si Lea pagkatapos operahan ng kan'yang asawa. Iyon ang naging panaginip n'ya rati pa, hindi man exactly bumagsak ang sinasakyan nitong chopper ay na aksidente pa rin s'ya sa kanilang misyon. At pagkatapos ngang kausapin ang kaibigan sa Kampo na nagtraydor sa kan'ya ay eto na s'ya at dinadalaw si Eloi. Kasama nga n'ya si Rina, na nag - resign na rin sa Kampo pe

