ELOI'S P O V Masama pa rin ang loob ko kahit pagka - gising ko kinabukasan nang maalala ko ang pagkaka - kilala namin ni Lance. Kaya tamad na tamad akong gumayak na para pumasok sa opisina. Malayo pa rin ang tinatakbo ng isip ko habang pababa ako ng hagdan. Patungo sana sa kusina, ayaw kasi ni Mommy na hindi ako kakain ng breakfast bago pumasok sa opisina. " Oh! Eto na pala ang aming dalaga, " dinig kong sambit ni Mommy pagtapak pa lang ng mga paa ko sa granite na sahig ng aming maluwang na sala. Kaya duon nabaling ang atensyon ko. Para lang matigilan sa aming bisita sa sobrang aga. " Good morning, Eloi! " magalang na bati ng binata sa akin, hindi ko naman malaman ang gagawin o sasabihin dahil ko talaga ini - expect ang kanyang pag - bisita at ganito pa kaaga. " Ahm! G - Good morning d

