ELOI'S P O V Nagbigay galang lang ako sa mga magulang kong nanunuod pa ng palabas sa T V sa sala bago ako umakyat sa second floor ng bahay namin patungo sa kwarto ko. Alam naman nilang busog ako dahil nga nag - date kami ni Lance. Kaya hindi na nila ako inalok na kumain. Pagpasok ko pa lang ay nagtatatalon na ako at tumili ng mahina. Para akong bata na binigyan ng laruan ng mga magulang ko sa sobrang saya. Paos na ang boses ko nu'ng huminto ako sa pagtili at hinihingal na ako sa pagtalon. Tsaka lang ako pumasok sa banyo para maglinis ng katawan at ng ngipin. Pagkapalit ko ng damit pantulog ay nuon lang ako nahiga sa malapad at malambot kong kama. Pagkakuha ko sa aking C P ay nag - beep iyon, ibig sabihin ay may nagpadala ng mensahe. Excited ko iyong binuksan at napatili ulit ako nan

