" Mia di ka pa inaantok? baka gusto mo Ng magpahinga. " Sabi ni Jasmin, kakatapos lang nitong magpatuyo ng buhok ni Mia. " Maamaya nalang di pa ako inaantok. " sagot lang nito Di ko din naiintindihan ang sarili gusto ko lang nakikinig sa usapan nila kahit pwedi naman na pumunta sa room ko at dun manood ng basketball. Yung mata ko nasa palabas pero Yung tainga ko nakatotok sa dalawa. Kakakilala lang nila pero kampante na sila sa isa't isa. " Mia ilang taon kana? " " 22 na. " " Wow same age tayo, pwedi bang mag sleep over sa room mo? " Tanong ng makulit ko na Kapatid. " Oo naman kung gusto mo, walang problema. " mabilis na sagot nito. " No Jasmine pagod si Mia ngayon bukas nalang. tsaka sabi mo may report ka pa na tinapos diba, Gawin mo na kaya umakyat kana sa room mo. " sabat ko

