ito ang aking bahay

1004 Words
"nanay, mula po ngayon magkasama nating bubuuin ang ating mga pangarap. Tutuparin natin na masave si Daddy! Mahihirapan tayo pero okay lang yon db nanay?" "hay naku bata ka! hindi ko akalain na sa loob ng ilang oras pa lang tayong nakakalayo sa mansyon eh agad ka ng nagmature!" sabi ng kanyang nanay nanayan na ngayon! imbes na suportahan ang dalaga eh inasar pa ito. "halika na nga baka gutom lang yan. Gusto mo ng inihaw na isda?" pang uuto nito. "ikaw nanay ah alam mo ang kahinaan ko talaga ah. Tara na sa loob at mag ihaw." "alam mo nanay? (tapos n silang mag ihaw noon at kumakain na sila partida nakakamay pa ito habang naghihimay ng isda ). Hindi naman pala mukhang mahirap mamuhay sa ganitong sitwasyon." "alam mo kung bakit" pagsang ayon naman ni aling Lucia. "dahil magaling magturo ang Daddy mo kung paano maging mapagpakumbaba. at higit sa lahat ang iyong nanay ay galing sa mahirap na pamumuhay." natapos ng masaya ang kanilang hapunan at sigurado syang maganda ang panaginip nya. "Daddy! Daddy! bitawan nyo sya. napabangon si aling lucia sa pagsigaw ng kanyang katabi. " anak! gising! gising! nananaginip ka teka upo ka lang muna dyan at kukuha ako ng tubig." at nang bumalik pinainom agad ito sa dalaga. "si Daddy kitang kita ko hila hila sya ng mga masasamang tao" naginginig pa rin ang kanyang kalamnan dahil sa kanyang napanigipan. "halika na magdasal ka muna bago ka matulog. bukas tawagan natin ang Daddy mo kahit na sigurado akong safe sya sa dami ng mga nagbabantay doon. halika na." Ilang oras pa rin ang lumipas bago sya naktulog. Nagising syang tila may dumadapong mainit sa manipis na balat ng mukha nya. Saka lang sya natauhan ng maalala nyang nasa bukid na sya sa kanilang bagong bahay kaya't nang bumangon sya dinama nya yon at nag inat ng nag inat. Unang beses lang ata itong nangyari sa kanya na masinagan sya ng araw sa umaga. "tao po! tao po!" bago sya lumabas sinilip nya muna kung sino ang tumatawag. nkita nya sa siwang ng bahay ang dalawang babae isang kasing edad nya at mukhang nanay nya ang kanyang kasama. Dahan dahan nyang itinaas ang bintana. "Sino po sila? ano pong kailangan nyo? wala po kasi si nanay dito eh." "naku okay lng wag kang matakot sa amin ha itong anak ko kasi gusto kang makilala at gusto kang maging kaibigan isa kami sa kapitbahay nyo. Sa totoo lang doon lang ang bahay namin pwede ka ring pumasyal don pag gusto mo." saad ni Nicole Paras sa isang napakatamis na boses at ngiti. "sige neng hindi na kami magtatagal pakibanggit mo na lang sa nanay mo na pumunta dito si Aling Cita okay lang ba?" " s-sige p-po. b-banggitin ko na lang po salamat po sa pagdalaw pasensya na po kayo sa akin. Hindi ko lang po alam kung paano mag asikaso ng kapitbahay o bisita. Sige po hayaan nyo at bibisita din po ako sa inyo. Bye Nic, " nagulat sya sa itinawag nya kay kay nicole na naging daan para lumingon ulit ang dalaga na sana ng mga oras na yon ay nakalayo na. "wow may nickname ka n agad sa akin? Gusto ko un ah. Sabihin mo nga ulit?" pag uutos nito kay patrice. "nic?" na sya namang sinunod ng dalaga. "Anyway ako si Patrice conde." "huh? ano ulit pangalan mo?" halos sabay na tanong ng mag ina. "ah a a-ko si Patricia concio." ahhh sige po ah papasok na ako." napapikit mata sya sa kanyang nasabing pangalan. "si Daddy kasi hindi naman sinabi kung anong pangalan ang aking gagamitin. haist"! " ahhhm Pat? o-okay lang ba tawagin kita sa ganong nickname?" "sus okay lang yon ang cute nga eh, thanks ah may kaibigan na ako." Halos magtatalon sa tuwa ang dalawa sa kani kanilang palayaw. Pag alis ng mag inang kapitbahay ay tinawagan nya ang kanyang Daddy para kumustahin. "hello Daddy? kumusta ka na po dyan? Miss na kita Dad" *eto namimiss ka rin. kumusta na kayo ng iyong nanay? magpakabait ka at sundin mo sya lagi okay. Mag papadala pala ako ng pera para sa pag aaral mosa kolehiyo." "totoo po ba yan? kasi ang sabi mo po sa akin noon ay ako na ang bahalang dumiskarte para sa pag aaral ko." "anak, kalimutan mo na ang mga sinabi ko sayo noon dahil hindi namn kita matitiis eh" "i love you Daddy. Eh paano po kung matrace ng mafia ang mga transactions natin?" "ibang account naman ang gagamitin ko don anak." "sige po Daddy kung sigurado ka namn po na safe tayo sige po hihintayin ko po ang ipapadala nyo." Pagkatapos ng mga sweet na palitan ng kanilang pag uusap ibinaba na ni Patrice ang hawak na telepono. Samantala, nag aalala noon si Don Mariano (daddy ni Patrice) hindi nya alam hanggang kelan sila ganito ng kanyang anak. Nag iisa na nga lang ito ngunit kailangan pa nilang magkahiwalay. "nanay alam nyo po ba dalawa ang nangyaring maganda sa akin ngayong umaga habang wala ka" panimula ni Patrice. Kumakain na sila noon ng tanghalian ng mgkwento ang dalaga. *oh sige anu ano naman ang mga yan?" "una may nakilala akong kapitbahay mag ina sila. Gusto nila tayong makilala. Sina Aling Cita at ang kanyang anak na si Nicole. Alam mo po ba na kasing edad ko lang si Nicole? Minsan daw ay dumaaw tayo sa kanila." habang aliw na aliw sa pagkukwento si Patrice ay sya namang libang na libang sa pagsubo ang kausap. " nanay? nakikinig po ba kayo sa kwento ko?" "oo namn! batang ito! anong akala mo sa akin?!" "ohhh!!" patutya ni patrice. "" eh mukhang hindi naman eh kasi tingnan nyo nga po halos maubos nyo na itong ulam natin?" "hala naku!!! oo nga ano!!" nagulat pa ito ng makita yong plato ng ulam na isang piraso na lng ang natitira. A-anak p-pasensya ka na ah sobrang nagutom talaga ako sa pamamalengke kanina." halos matawa si Patrice sa itsura ng ina inahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD