(Janine’s dream world) “Si Jebrel ang kumuha ng lace." pag-amin ko kay Amiel. "Ako ang sa rubber shoes. We're sorry," "Bakit sinabi mo agad, Arian?" tanong ni Tyra, naiinis siya. "Pinahirapan mo pa sana, kulang pa ang isang oras na paghahanap niya!" "Kulang pa ang isang oras sa 'yo?" iritang kinuha sa akin ni Amiel 'yung lace na inabot sa akin ni Jebrel kanina bago siya pumuntang restroom. nakakunot ang noo ni Amiel habang nakatingin kay Tyra. "Gamit mo kaya ang itago ko tapos isang linggo kong ipahanap sa 'yo, nice idea ba? Ewan ko lang kung makuha mo pang mag-inarte diyan." "Pikon ka? Nilagyan mo nga ng bato 'yung bag ko kahapon. Hindi naman ako napikon." "Tama lang 'yon sa 'yo." "Tama ba 'yon? O sige lalagyan ko rin ng bato 'yang bag mo mamaya ha! ito lang ang ginawa namin sa 'yo

