“Grabe talaga yung napanaginipan ko. Nanaginip na ako yung character pa doon sa panaginip ko nananaginip din siya!” Mangha kong sinabi sa kanilang dalawa. Si Prim ay naguluhan sa sinabi ko samantalang si Elle naman ay natuwa. “Wow grabe naman iyang panaginip mo. Ano ba ang napanaginipan mo? Natatandaan mo pa? Kasi may iba, tulad ko, nakakalimutan ko yung panaginip ko e. Ikaw ba Prim?” Umiling si Prim. “Nakakalimutan ko rin yung panaginip ko.” “Ah, ikaw Janine? Anong napanaginipan mo? Tutal ngayon mo lang napanaginipan iyan.” “Actually hindi niya ngayon napanaginipan. Kanina pa.” Pagbara ni Prim kay Elle. Mabilis umikot ang mata ni Elle dahil sa sinabi sa kaniya ni Prim. “Oh, yung mata mo umiikot na naman! Irap na irap ah?” Tumawa si Elle. “Ikaw kasi e. Wag mo na ako barahin

