Pagkatapos ng simba ay nagkita-kita na kami nina Elle at Prim sa labas ng simbahan. “Bruha kayo namiss ko kayo!” agad yumapos sa amin si Elle. “Two days lang tayong hindi nagkita.” ani Prim. “Kahit pa.” “O ano, Janine nabili mo na ba ‘yung bagong album ng The Herseys? Nakita ko sa social media kahapon, wala na raw copy sa mga store! Grabe talaga ang bandang ‘yon. Ang daming nabiktima.” “Grabe naman sa nabiktima. Maganda naman kasi talaga ang music nila. Saka pinakinggan ko ‘yong isa nilang kanta ang ganda ng lyrics.” “Di ba? Sabi ko sa inyo. Pakinggan niyo rin minsan ‘yong mga song nila I’m sure nagugustuhan niyo.” Natuwa naman ako sa sinabi ni Prim. Talagang pinakinggan niya pala ‘yong kanta ng The Herseys. At ang maganda pa roon ay yung latest album ang pinakinggan niya. An

