“Field trip? Bakit bigla namang nagkaroon ng ganiyan? Out of nowhere sila mag announce paano akong pulubi? Saan ako kukuha ng 7500? Isang sahod na ata ni Papa ‘yon tapos required pang sumama! Ano naman ang gagawin ko roon? Ayaw kong sumama!” Malungkot kong saad pagkalabas ng teacher namin. Ang laking halaga naman kasi talaga non. Complete package na raw. Kahit ayaw namin sumama ay mapipilitan kami dahil babagsak kami sa subject na ito kapag hindi sumama. E kailangan namin mamaintain ang magandang grado kung gusto naming magpatuloy ang full scholar namin dito sa school. Saka isang sem na lang din naman ay gagraduate na kami. Panibagong pagsubok na naman sa college kung sakali. Gusto ko na talagang makapagtapos. Para makapagsimula na ako ng magandang trabaho at matulungan ko na sila Ma

