Akala ko ay hindi ako makakatulog sa nangyaring pag-uusap namin ni Kyle kanina. Parang binalik ang lahat ng alaala sa akin. Naging sariwa muli ang sakit at lungkot na naramdaman ko noong iniwan niya akoZ Mabuti na lang ay nakatulog pa ako pero hindi ganoon kahaba. Mabuti na rin iyon at least may tulog. “Janine!!!” Mas malakas pa ang boses ni Elle sa microphone na nakatodo ang speaker. Mabilis silang naglakad papalapit sa akin. “Magandang monday morning!” “Good morning, Ja.” Buti pa itong si Prim, simple lang ang pagbati at ang hinhin. Si Elle masakit sa tainga bumati. Siya talaga ang pinakamaingay sa grupo namin. “Grabe ‘yong bagyo ‘no? Mabuti na lang hindi umuulan ngayon. Pero sa dilim ng langit, sigurado malakas ang ulan mamaya o ‘di kaya sa hapon at gabi.” “Expected na

