"Hindi ka pa tapos." "Busog na 'ko. Salamat uli." Tumalikod na 'ko at naglakad palabas. Ni hindi man lang ako hinabol. "O anak, bakit ngayon ka lang? Mukhang tumagal ka sa kapitbahay natin, close mo na?" tanong ni Mama pagkauwi ko. "Hindi pa po." "Aba, i-close mo. Mas maganda anak kung kino-close ang kapitbahay. Bukas, makipag close ka ah?" Ano ba'ng close sinasabi nito ni Mama? Makipagkaibigan do'n kay EJ? "Opo, Ma." sabi ko na lang. *** / Jessa's calling / / Hello... / "Hello, Jessa, napatawag ka?" /Mabuti naman 'di ka pa rin nagpapalit ng number. / dinig ko ang saya sa tono ng boses n'ya. "Bakit ka napatawag?" ulit ko. / hehe. Kasi. Baka libre ka tomorrow? / she asked. "Oo naman. Ano'ng meron bukas?" / Welcome party sa asawa ko. Kakauwi n'ya lang galing sa Canada. L

