“Akala ko hindi mo ako lalapitan kanina.” Nakangusong sabi ni Dustin habang inaayos yung latag ng mamahaling blanket sa damuhan. Nasa garden kami, inaya niya ako kanina after ng laban nila. Mabuti nga hindi ganoon kainit. Tag ulan pa rin kasi. Buti nga ay hindi masyadong basa yung damo. May ilan din naman kasing tao dito. Ang iba nga ay tumitingin pa sa amin. Hindi na ako magugulat kung kumalat sa buong school na may relasyon kaming dalawa ni Dustin. Nagiging showy na rin kasi siya at talagang marami na ang nakakapansin. Lalo na kanina sa field habang nandoon ako sa puwesto nila. Malamang ay iisipin na ng lahat na girlfriend niya ako kasi ano naman ang gagawin ko roon ‘di ba? Bakit ko pupunasan ang pawis ni Dustin? Bakit ko siya pinuntahan doon sa puwesto nila kanina kung walang na

