Maaga akong nagising para magluto. Inunahan ko na si Mama sa pagluto ng umagahan namin. Sa totoo lang ay hindi talaga ako makatulog dahil hindi mawala sa isip ko yung nangyaring halikan sa pagitan naming dalawa ni Dustin. Napapahawak na lang ako sa labi ko at natutulala. Para tuloy akong baliw na bigla na lang natutulala at napapahawak sa labi ko. Mayamaya ay may narinig akong yapak papunta dito sa kusina. Hula ko na si Mama iyon. Kaya hindi na ako nagulat noong makita siyang nandyan na sa tabi ko. Si Mama pa mga ang nagulat at hindi makapaniwala. “Anak, anong meron? May lagnat ka ba?” Mabilis na lumapit sa akin si Mama at saka hinipo ang noo ko kung mainit ba o hindi. Iniisip niya may lagnat lang ako kaya naman ang sipag kong magluto. “Wala akong lagnat Ma. Bawal bang ako mu

