Episode 1

1355 Words
CHAPTER ONE THIRD PERSON POV. "Kapag talaga hindi ka pa natapos jan, Empress, iiwan ka na talaga namin!" inis na sabi ni Summer Gomez sa kanyang kaibigan na si Quennie Empress Lee na kanina pa nasa CR. "Ano ba ‘yan! Wait lang nga kasi. I'm malapit na here, wait lang kayo ng little bit," sabi ni Empress na nag-aayos pa sa kanyang damit sa loob ng CR. Napairap ang isa nilang kaibigan na si Tricia Nicole Grey na kanina pa rin naiinip. "Saan ba kasi tayo pupunta?" naiiritang tanong ni Nicole. Napakamot sa ulo si Summer. "Sa mall daw. Alam mo naman si Empress, pag na bored gustong-gusto mag lawatsa," sabi ni Summer. "Tapos dadamayin niya tayo? Gusto ko nang umuwi!" sabi ni Nicole. "I'm done na!" sabi ni Empress at lumabaa sa CR. Napatingin ang dalawa sa babaeng nakatayo sa may pintuan ng CR habang nakangiti. Umikot siya at pumorma sa harapan. "Am I pretty naba? Hehe," nagpapacute na tanong ni Empress. Ngumiti si Summer at tumango tango. "Yay! Thank you so much, Summer dear!" sabi ni Empress. Napairap si Nicole at napatayo. "Umalis na nga tayo," sabi nito at umuna nang lumabas ng kwarto ni Empress. Napanguso nalang si Empress sa inasal ng kaibigan. Hindi siya nasasaktan kasi alam niya naman na gano’n na talaga si Nicole since bata pa sila. Pero alam niya rin na mahal na mahal siya ni Nicole. Si Nicole nga ang taga pagtanggol niya noong nasa grade school pa sila eh. Masayang pumasok si Empress sa loob ng Mall habang ang kanyang dalawang kaibigan ay nakasunod lang sa kanya sa likod. Mukhang alam na ni Summer kung anong gagawin nila sa loob ng Mall. Hindi naman mahilig sa shopping si Empress. Iba ang pinunta nito sa Mall, at alam na alam ni Summer at Nicole kung ano ito. Nandito sila sa Mall upang maglaro ng Dare Game. Oo, Dare Game. Hindi siya simpleng dare game kasi pahihirapan ka talaga. At si Empress ang pinakamahirap mag bigay ng dare sa kanilang tatlo. Binansagan siya ng kanyang dalawang kaibigan na Dare Queen at gustong gusto naman ito ni Empress. Huminto sila sa may gitna ng mall kung saan makikita ang lahat ng ginagawa ng mga tao sa paligid. Nakita ni Summer na ngumisi si Empress habang nakatingin sa paligid. "Masama 'tong nararamdaman ko ngayon, Summer," mahinang sabi ni Nicole habang nakatingin din sa kaibigan nilang si Empress na busy sa pag tingin sa mga tao sa paligid. Napatango nalang si Summer at kinabahan na din. "Aha!" Nagulat ang dalawa ng biglang sumigaw si Empress. Napatingin rin ang ibang tao sa kanya na mukhang na wi-weirdohan. "Anong aha ka jan,"sabi ni Nicole. "Mag laro tayo ng dare game!" Napasapo sa noo si Summer. "Here we go again.."mahina nitong sabi. "At sa dare game natin ngayon, si Summer ang gagawa sa dare!" Nanlaki ang mga mata ni Summer at napatingin kay Empress. "Bakit ako?! Ako ‘yung gumawa no’ng isang araw eh! Si Nicole nalang." Tinignan siya ng masama ni Nicole. "Gusto mo masabunotan kita?" Napasigaw sa inis si Summer at napatingin kay Empress na grabe makangisi. "Anong dare ba yan?!" Kinakabahan na siya kasi alam niyang mahirap ang ipapagawa ni Empress. "Omg! No way.." hindi makapaniwalang sabi ni Empress. Napakunot ang noo ni Nicole at bahagyang lumapit sa kaibigan. Lumapit na din si Summer sa dalawa. "What?" "Look.."sabi ni Empress at tinuro ang isang mag jowang magkahawak ang kamay habang nag-uusap. "It's Andrew the Jerk and Mikaela the Slut," mahinang sabi ni Empress. Kita sa mata nito ang sakit. Ex kasi nito si Andrew at si Mikaela ang dahilan kung bakit sila naghiwalay. "Ano naman kung nanjan sila? Ex mo na ‘yan at hindi siya deserving for you," sabi ni Nicole. Napanguso si Empress. "I know naman eh! Iba kasi tinutukoy ko kung bakit sila ‘yong tinuro ko," ngumisi ulit si Empress na ikina pagtaka ng dalawa niyang kaibigan. "W-what?" "Summer dear.." "Y-yes?" "Make eksina dito sa mall at sirain mo ang magandang araw ng mag jowang iyon!" "What?!" "Go, Summer," sabi ni Nicole at tinapik siya sa balikat. Napakurap si Summer at bumuntong hininga. Nag simula na siyang mag lakad papunta sa pwesto nila Andrew at Mikaela. Na excite bigla si Empress ng mag simula ng mag lakad si Summer papunta sa pwesto nila Andrew the Jerk at Mikaela the Slut. "Omg!" "Shh! Wag ka ngang maingay. Lumapit na nga lang tayo." Sabi ni Nicole at tahimik na hinila si Empress. "Hoy, Lalaki ka!" sigaw ni Summer at biglang hinila si Andrew. Kita sa mag jowa ang gulat. "What the f**k?!" sigaw ng lalaki. "Ang kapal ng mukha mong magpakasaya dito kasama ng babae mo!"sabi ni Summer habang dinuro si Mikaela. Empress Point of View "Nicole dear, ilabas mo ang camera bilis! Hindi pwedeng hindi natin 'to ma videohan." Nilabas ni Nicole ang cellphone niya at vinedeohan ang iksena ngayon sa loob ng mall. "How dare you! Sino ka ba! Ano bang pinagsasabi mo jan!" mataray na tanong ng girlfriend ni Andrew. Nag punas ng luha si Summer dear bago bumaling ng tingin kay Mikaela the Slut. "Ako? Ako lang naman ang asawa ng kalandian mo ngayon!" Nanlaki ang mga mata ng mag jowa pati na rin ng mga chismosa at chismosong mga froglet na nanonood sa scene ngayon. "What the f**k! You're not my wife! Hindi ako kasal! Sino kaba? Baliw ka siguro!"galit na sabi ni Andrew the Jerk kay Summer dear. "Ulol! May pa deny kapang lalaki ka, wala ng gatas ‘yong anak mo sa bahay!" "f**k, I can't believe it na kaya 'tong gawin ni Summer," mahinang sabi ni Nicole habang nakatingin parin kina Summer habang nakahawak sa cellphone. "M-may asawa kana Andrew?"umiiyak na sabi ni Mikaela. Umiling iling ang lalaki at hinawakan ang magkabilang pisngi ng jowa nito. Yak, so corny tsk! "The hell no! I don't have a wife lalong lalo na anak! Loyal ako sayo, babe. Believe me, ikaw lang ang mahal ko." "Tsk. Ulol! manloloko ka kaya," mahina kong sabi. Natawa si Nicole sa tabi ko. "Walang hiya ka!"napatingin ang lahat kay Summer. "Wala kang kwentang ama! Wala kang kwentang asawa! Ang kapal ng mukha mong ideny ang anak nating si Weyn! Your asshole!" sigaw ni Summer at nag walk out. Napapalakpak ako sa tuwa sa ginawa ni Summer. "Omg she's so galing talaga!" Tumango si Nicole at ngumiti. Muli naming tinignan ang mag jowa. Nakita kong sinampal ni Mikaela si Andrew. "Ang kapal ng mukha mo! Manloloko ka! A-akala ko ba ako lang ang mahal mo?! Akala ko ba ako lang?! Liar! How could you do this to me?!" umiiyak na sigaw ni Mikaela the Slut at nag walk out. "Mika!"tawag ni Andrew sa jowa niya habang umiiyak. Poor guy tsk. "Hey, Empress. Nag text si Summer sa akin, on the way na daw siya sa condo niya. Di niya na daw ma take ang kahihiyan dito sa Mall, dun na daw tayo mag kita kita."sabi ni Nicole at naglakad na. Nakangiti akong tumango at sumunod kay Nicole dear. Super galing talaga ni Summer dear mag act! I really admire her talaga kapag acting ang usapan. She's really good kasi talaga eh. Sabi ko pa nga sa kanya na she should audition as an Actress eh kasi bagay talaga yun for her. Ano kayang next dare ang ipapagawa ko kay Summer dear hehe. Pero si Nicole dear muna kasi tapos na si Summer! Omg I'm so excited na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD