ILANG SANDALI nang natapos ang pag-uusap nila nang tumunog uli ang cell phone niya. “I’m willing to marry her. Huwag nang paulit-ulit ang tanong. Desidido na ako,” sabi na niya agad. “Ikakasal ka na, d**k?” Napamaang siya. It was Daisy. Akala niya ay tumawag lang uli ang papa niya. “Daisy,” sabi niya makaraan ang ilang sandaling patlang. “Tama ang narinig mo. I’m getting married.” Sa kabilang linya naman nagkaroon ng katahimikan. Pero alam niyang naroroon pa rin si Daisy. Narinig niya ang isang pigil na pagsinghap mula dito. “Nag-propose ka na pala kay Vera Mae. Kaya pala matagal-tagal na tayong walang contact. I thought you’re just busy.” Sinisikap nitong maging kswsal ang boses pero ramdam niyang nagpipigil lang itong maiyak. Nakadama

