#TheSecondHusband CHAPTER 65 Balisa... ganyan ko isinasalarawan ang sarili ko ngayon. Minsan tulala, minsan... Arghhhh! Ewan ko pero gulong-gulo ang isipan ko, hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit kung gaano na lang ang pagtanggi ko dahil mali nga, sa huli ay pumapayag din ako. Ayaw ko pero may parte din sa akin na gusto ko. Napabuntong-hininga ako. Nilibot ang paningin sa buong resto. Ang daming taong kumakain pero ito ako, nakatanga, hindi makakilos nang maayos, hindi matulungan ang mga kasamahan. Alam kong nagtataka na sa akin si Gray, ilang beses din siyang nagtanong sa akin kung may problema ba o ano pero ang lagi kong sagot ay wala, pagod lang ako. Hanggang sa magsawa na siya kakatanong dagdagan pa na busy rin kasi siya. Isa pang iniisip ko ay

