#TheSecondHusband CHAPTER 61 Nakaupo ako sa gilid ng kama. Nasa loob na ako ng kwarto ako ngayon kasama si Gray na tulog na tulog pa rin. Napabuntong-hininga. Napahilamos ng mukha. Hindi ko maiwasang makonsensya ngayon. Kanina ay gustong-gusto at sarap na sarap ako sa mga nangyayari pero ngayon ay dumarating na ang konsensya sa akin. Hindi ako makapaniwalang mangyayari ang mga iyon... hindi ako makapaniwalang magagawa kong magtaksil sa kasintahan ko at hindi lang basta sa kung sinong tao ako nakisalo sa maling gawain kundi sa mismong stepfather ko pa... sa kanya na asawa ng aking ina. Hindi ko rin tuloy maiwasang makonsensya para sa aking ina. Alam kong mahal na mahal niya si Greco. Sobra. Bakit ba kasi ‘yun nangyari? Bakit kami napunta sa ganun? Bakit ako puma

