Parang gusto kong mag diwang dahil kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Espasol. Hindi siguro niya matanggap ang mga sinabi ko sa kanya. Ano ba kasing problema niya sa akin, kung ako ang mas pinili ni Tanders, kaysa sa kanya. Bakit hindi na lang niya tanggapin na hanggang doon na lang sila. Kung hindi ba naman kasi siya tanga, dahil mas pinili niyang iwanan si Tanders, noong mga panahon na mahal pa siya nito. Tapos ngayon ay hahabol habol, pati ako ay idinamay na rin ng baliw na espasol na ito. Ngunit bigla na lang akong binigyan ng isang malakas na suntok sa aking magandang face. Tangina naman oh, siya lang ang bukod tanging nanakit sa akin ng ganito. Kahit magulang ko noong nabubuhay pa sila ay hindi man lang ako sinaktan. Pati si Nanay Rosa, na laging nagagalit sa akin, dahil sa katig

