Joy's POV Hindi ko alam kung paano ako nahanap ni Tanders. Nagulat na lang ako dahil nasa harapan ko na siya't lumuluhod at nag mamakaawa sa akin. Sa tagal na hindi kami nagkita ni Tanders, aaminin kong na miss ko siya ng husto. Pero kapag naiisip ko ang mga ginawa niya sa akin at bawat masasakit na salitang binitawan niya, ay hindi ko mapigilan ang hindi masaktan. Mahigit isang buwan pa lang akong naka panganak. Babae ang baby ko, at napaka cute din niya. Pero ang ikina sasama ng loob ko ay kung bakit wala man lang nakuha sa akin ang anak ko. Ako ang naghirapang maglihi, dinala ko siya sa sinapupunan ko ng siyam na buwan at halos malagutan din ako ng hininga. Dahil sa hirap kong ini-iri ang baby ko, pero bakit sa kanyang ama lang siya nagmana? napaka unfair talaga! Noong gabing m

