AGAD na sinalubong ni Travis, ang mga Agents, ng makababa na sila sa kanilang sinakyan na Helicopter. Patakbo naman na nilapitan ni Joy, ang kanyang asawa na naka upo sa isang wheel chair, habang naka alalay ang dalawa nitong tauhan. "Daddy, bakit ka lumabas ng Hospital?!" nag-aalalang tanong ni Joy sa asawa. Niyakap din niya ito at dinampian ng halik sa labi. "Pinag-alala mo kasi ako sweetheart, bakit ka umalis na hindi nagpapaalam sa akin?" malumanay na tanong ni Travis, sa kanyang asawa. Bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala, dahil sa biglang pag-alis ni Joy, na walang paalam. "Kung nagpaalam ba ako sa'yo daddy, papayagan mo ba ako?!" naka ngusong tanong ni Joy, sa asawang over protective sa kanya. "No..." halos pabulong na sagot ni Travis, dahil may katwiran naman talaga

