Dalawa kaming mag-asawa na pumunta ng Airport, upang sunduin sina Tita Lucille at Tito Miguel. Gabi na sila nakarating dahil sa haba ng biyahe nila. Agad kong niyakap si Tita, dahil bigla na lang siyang umiyak ng makita na niya ako. Pinakalma ko muna siya, bago kami pumunta sa kotse. Sinalubong naman kami ni Tanders, at siya na ang nagtulak sa Cart na nilagyan ng mga Luggage nila Tito at Tita. Sa Hospital kami tumuloy, dahil gusto na daw makita nina Tito at Tita si Pj. Kinakabahan din ako dahil tiyak na magugulat si Ate Lisa at Kuya Migs, kapag nakita nila ang pagdating ng kanilang mga magulang. Hindi nga ako nagkamali, dahil nang mag pang-abot kami nina Kuya Migs at Ate Pamela sa Parking ay gulat na gulat ang dalawa ng makita nilang bumaba mula sa kotse namin sina Tito at Tita. "M

