Agad na nagbunot ng baril ang mga Agent, dahil biglang naglabasan ang mga lalaking may dalang iba't-ibang uri ng armas. Pina ikotan din sila ng mga sanggano sa lugar, at mukhang walang mag papatalo sa kanila. Bakas din sa mukha nila ang kahandaan na pumatay ng tao. Ngunit naka handa ang mga Agents, sa kahit anong klasing laban dahil dumaan sila sa matinding traning noon. Kaya hindi sila natatakot sa kanilang mga kalaban, kahit sabihin pang napaka dami nila at napapaligiran na sila ng mga Gangster sa lugar. Hanggang sa meron isang lalaki ang lumabas, mula sa isang bahay, at may dala itong mahabang katana. Mapapansin din ang mga tao sa paligid na nanonood ay unti-unting lumayo at nagtago sa loob ng kani kanilang mga bahay. Agad naman na humakbang si Agent Katana, at tumayo siya sa band

