ISANG BUWAN na rin ang nakakalipas, mag mula ng madukot si Joy at mailigtas sa kamay ng kanyang mga kidnaper. Magaling na din ang kanyang mga sugat at balik na naman siya sa pag tutor kay Pj. Araw-araw, bago siya pumasok sa trabaho ay nag e-ensayo muna siya sa kanilang Gym. Minsan ay sinasamahan din siya ni Travis, sa kanyang pag e-ensayo. Lahat din ng mga kaalaman niya pakikipag laban ay muli niyang inaaral para maging mas mahusay pa siya kaysa dati. Magmula kasi noong magbuntis siya at manganak ay hindi na siya naka pag ensayong muli. Kaya ngayon ay muli niyang sinasanay ang kanyang sarili, upang maging malakas siyang muli sa kahit anong uri ng laban. Kailangan din niyang paghandaan ang muling pagkikita ni Aira, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang babaing salut sa li

