LIA'S POV Nang tuluyan akong gumaling sa karumal-dumal na pangyayaring iyun ay nag umpisa na naman si tita Bhecca sa pag ka walangya saakin. Bigla nalang siyang pumasok sa kwarto ko at kinuha niya yung cellphone ko. "Isasanla muna natin ito at wala na akong pera. Naubos kakapabaon sayo!" sigaw saakin ni tita Bhecca. "Tita, maawa po kayo. ‘Yan nalang po ang ala-ala saakin ni mommy," pag mamakaawa ko sa kanya. "Aba aangal ka pa? Gusto mo bang palayasin kita dito nang maging pulubi ka na?!" sagot niya. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Wala na ang ka isang alaala saakin ni Mommy. Habang naglalakad ako ay napapaluha talaga ako. Papalabas na ako ng ljs village para ipamili na naman ng mga pinapaluto ang aking titang dimonyo ng bigla ulit na may dumakip saakin na limang lalaki

