Chapter 20

1177 Words
LIA'S POV Pag gising ko ay napaka sakit na talaga nang lalamunan ko. Paano na ako nito mamaya? Kakanta pa naman ako. Maya-maya may biglang nag bukas ng pinto ng kwarto ko. Si jamaica pala. Bago ako naligo ay nag post muna ako sa Facebook.. "Anubayan badtrip! Kung kaylan namang kakanta ako mamaya ay saka pa ako minalat! Paano na yan?! Kinakabahan ako! Bahala na mamaya, mapahiya na kung mapapahiya!" After nun, naligo na ako at saka ako nag pa make-up kay Mommy. Sinuot ko nadin yung binili namin kahapon ni Maureen sa Artwork. Si Jamica nakabihis narin at excited na excited nang makita si Exequiel. Pagkatpos nun ay nag pahatid na kami kay manong Eric sa Magenta university. Pagkapasok na pagkapasok ni JJamaica sa school namin ay hindi sya nawawalang nang salita tulad ng... "WOW ANG GANDA DITO, PURO VIOLET, PATI MGA NAKATANIM NA FLOWERS VIOLET DIN. ANG GANDA!" Mayamaya natanaw ko na sina Maureen, Leslie at Nel. Pinakilala ko sa kanila si Jamaica. Nakipag shakehands naman si jamaica kina Leslie Napansin ni Maurenn na malat yung boses ko. "Wait, may napapansin ako. Bakit parang minamalat ka!?" Gulat na tanong ni Maureen. "Kumain kasi ako ng ice cream kagabi," nakangiwi kong sagot ko sa kanya. "Patay! Eh ano nang gagawin mo? kakanta ka pa ba niyan? Baka mapahiya ka lang," nakasimangot na sabi ni Leslie. "Oo, kakanta parin ako. Kakayanin ko to." proud kong sagot sa kanila. "Sigurado ka ba dyan Girl?" Nag aalalang tanong ni Maureen. " Oo, saka yung grades ang habol ko dito," sagot ko sa kanila. Tumuloy na kami sa backstage. Doon kasi mag pupunta lahat ng mag peperform. Ako naman todo inom ng tubig para kahit pa paano eh, mawala ang kati ng lalamunan ko. Inabot ko kay Jamaica yung pang video. Pinasama ko na sya kina Leslie tutal mag kakakilala naman na sila. "Okay, In five minutes, mag uumpisa na po tayo, kaya humanda na ang lahat ng mag peperform." sabi nung host. After five minutes ay nagsimula na nga ang papalabas. "Medyo kinakabahan na talaga ako. Baka mapahiya pa nga ako nito. Aartras naba ako maureen?" Nakasimangot kong tanong sa kanya na hindi mapakali. "Ikaw bahala." sabi ni Maureen. Mayamaya ay agad ng tinawag ng host si Maureen. Kumanta na sya at grabe! Ang ganda talaga ng boses nya. Kinanta nya yung Back to December ni Taylor Swift. Nang matapos na ang pagkanta niya ay palakpakan ang lahat sa sobrang galing ni Maureen. Ako na ata ang susunod!. Omg! Hindi ko na kakayanin ito. Lord please, help me... "Next is, miss Lia" sabi nung host. Patay na talaga ako nito. "Girl ikaw na. Go! go! go! kaya mo yan!" nakangiting sabi ni Maureen. "S-salamat," mangatog-ngatog kong sagot kay Maureen. Talagang nangangatog akong nag lalakad papunta sa stage. Paghawi ko sa kurtina na nakatabing ay tumimbuag saakin ang maraming tao. Mas lalo akong nangatog. Dahil sa malat na ako. Pumili nalang ako ng medyo hindi mataas ng kanta. Kakantahin ko ang A Thousang Years by: Christina Perri Nagsimula nang tumunog yung minus one ko. At syempre, hindi mawawala ng mga nag comment na student dito. Unang pakawala ko palang sa unang word ng kanta ay medyo sumasabit na kaagad ako kaya bulungan naman ang lahat. "Hala! Bakit ganyan boses nya? Ang panget! Bakit ba kasi kakanta pa yan?!" "Oo nga! Malat si sunog hahaha!" Hindi ko na talaga kayang kumanta, kaya huminto na ako. At dun na ako naiyak. Lahat sila ay nag tawanan. Lahat sila ay nanlait na naman. Namuo ang tawanan sa buong magenta. Mayamaya ay nagulat ako nang may humaltak saakin. Pagtingin ko sa humatak saakin ay nanlaki ang mata ko. Si exequiel monteverde? Natahimik ang lahat at halos magulat din sa nangyari. Dinala ako ni Exequiel sa backstage. "Inumin mo ‘to, mabisa ‘to. Mawawala ka agad yang malat mo. Yan kasi ang ginagamit ko pag minamalat din ako," sabi ni Exequiel. Omg! First time niya akong kinausap ng ganito. Inabutan niya ako ng capsule at tubig. "Guys! Ihanda nyo na yung mga gamit natin sa stage. Tayo na mag peperform." utos ni Exequiel sa mga ka banda niya. Sh*t Ang gwapo lalo ni Exequiel sa malapitan grabe! Tuloy lapit ulit si Exequiel saakin at sinabing…"Lia, alam mo ba yung Pangarap lang kita. ‘Yung kanta ng parokya ni edgar?" Nashock ako. Alam pala niya ang name ko. Paano kaya niya nalaman? "O-Oo A-alam ko y-yun," mautal utal kong sabi sa kanya. Nakakailang e. Super gwapo niya talaga. "Good. Pag tinawag ko ang pangalan mo mamaya ay pumasok ka na agad ha? Mag duet nalang tayo." sabi niya. Omg! K-kami mag d-duet? Tilian ang lahat ng pumunta na siya sa stage. Pati ang pinsan ko sabik na sabik at nagtatatalon pa. Nakasilip kasi ako sa isang butas kung saan kita ang mga audience. Nag umpisa nang kumanta si exequiel. At Mayamaya ay bigla na niya akong tinawag. "Ladies and Gentlemen, PLEASE WELCOME, MISS LIA" Sigaw na sabi ni exequiel na kinagulat ng lahat. Nagmakapal mukha na ako. Hinawi ko na ulit yung kurtina at pumasok na ako. Pag kakanta ko ay aba! Bumalik nga sa dati yung boses ko. At lahat sila ay nagulat. As in Gulat na gulat na gulat na gulat! Kasi halos lahat ay napanganga at napalaki ang mga mata. Pati si jamaica hindi makapaniwala na mangyayari ito. Yung ibang student masama ang tingin saakin at mga nanlilisik ang mata, lalong lalo na si Sharmaine. Pagkatapos naming kumanta ay nagulat nalang ako sa ginawa ni Exequiel. Niyakap nya ako.Nanlaki tuloy ang mga mata ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero bigla akong kinilig ako dun. Nakalimutan ko tuloy na may boyfriend pala ako. Grabe ang bango bango ni Exequiel. Ang sarap niyang kayakap. Pagkatapus nun ay bumalik na ako sa backstage na akbay akbay parin ni Exequiel. Hinatid niya ako sa backstage dahil kakanta parin siya. Halos talaga hindi ako makagalaw at hindi maka-imik kanina. Nagulat naman ako kay Maureen at agad akong kinurot pag dating ko sa backstage. "Girl ikaw na talaga! Ikaw na ikaw na! Grabe ka! Naka duet mo ang pinaka sikat na binatang atrista sa balat ng pilipinas at si Exequiel yun! Napaka swerte mo! By the way, bakit nawala yung malat mo?" gulat niyang tanong. "May pinainom saakin si Exequiel na capsule kanina. Tapos ayun, mayamaya nawala na yung malat ko. At sabi pa nga niya na mabisa yun, kaya ayun, nawala nga ang malat ko." sagot ko sa kanya. Mayamaya ay sumulpot na sina Jamaica, Leslie at Nel. Ganun din ang sinabi nila. After nun, nag party party na kami. Pero hindi parin maalis ang tingin saakin nung mga student dito at talagang ang sasama na talaga ng tingin. Mga nanlilisik!!. Mukhang ako nalang at si Exequiel ang palaging trending dito sa magenta university. Instant celebrity na ang peg ko. Kung baga parang peymus narin ako. Pero laking tanong ko kung bakit ginagawa saakin yun ni exequiel? Bakit nga kaya? Ayokong umasa pero feeling ko may something si Exequiel. Parang hindi trip e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD