Chapter 22

1226 Words
LIA'S POV Pagkatapos nang lahat ng nangyari ay nakayanan ko naring pumasok ng school. Unting unti ko na rin natatanggap ang lahat. Pag kapasok na pagkapasok ko sa school ay isang dimonyo ang nakasalubong ko. "Condolence! Alam mo lia, Karma mo siguro yan HAHAHAHA!" Pang aasar na sabi ni Sharmaine. Napaka walangya talaga! "Wala akong panahon sayo Sharmaine!" Ngayon lang nangyari na lumaban ako kay Sharmaine. Tama ba naman kasi na sabihan pa niya ako nun. Nilayasan ko agad siya at baka kung ano pa ang mangyari. Pag pasok ko sa room namin ay agad akong sinatsat nila Leslie. Pilit akong pinapasaya at nililibang ng mga kaibigan ko. Mabuti nalang at nandito sila sa tabi ko sa oras na kailangan ko sila. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil tunay sila saakin. Lumipas ang mga ilang linggo at nti unti nang nag bago ang lahat. Wala na akong perang pang baon. Kanino ako hihingi ng pera? Natatakot naman ako kay tita Bhecca. Nagulat nalang ako nang may biglang nagbukas ng pinto ng kwarto ko. "T-Tita?" Gulat kong sabi. "Bumangon ka na dyan! Dahil wala na ang mga magulang mo, ako na ang masusunod dito! Maliwanag?" taas kilay niyang sabi na naka pamewang pa. Ako naman na napatulala lang kasi natakot ako eh. "Ang sabi ko ay maliwanag bako!? Bakit ayaw mong sumagot?" sigaw pa niyang sabi. Biglang sumulpot si Jamaica. "Bakit niyo po sinisigawan si Ate?" gulat na tanong ni Jamaica. "Wag kang makialam dito Jamaica! Gusto mo bang idamay kita!" Kaya naman sumagot na ako. "O-opo, Tita," takot na takot kong sagot sa kanya. "BUMANGAON KA NA DYAN AT IPAPALIWANAG KO ANG MGA GAGAWIN MO TUWING SABADO AT LINGGO!" tass kilay niyang sabi. Ano ang ibig sabihin nito? Anong trip ni Tita? "A-ano pong gagawin ni Ate sa sabado at linggo??" pag tatanong ni Jamaica sa Mama niya. "NAPAKA KULIT MO! MALIGO KA NA AT GUMAYAK. GUSTO MONG BAWASAN KO ALLOWANCE MO!" sigaw ni tita Bhecca kay Jamaica. Wala ding nagawa si Jamaica kundi sumunod sa Mama nya. Kinakabahan talaga ako dito. Wala nang mag tatanggol saakin. Wala na si mommy. Paano kung bugbugin ako ni tita bhecca! Natatakot ako. Kaya naman sumunod narin ako kay tita Bhecca. "At dahil ako na ang mag papabaon at mag babayad na tuition sayo, mag sisilbi ka na ngayon dito tuwing sabado at linggo. lilinisin mo ang buong bahay at ikaw nadin ang mag lalaba dito. Hindi na kami kukuha ng labandera! At ikaw na din ang mamamalanstya ng mga damit MALIWANAG BA??" Nagulat ako sa mga sinabi niya. Wala naman din akong magagawa kundi sumunod sa kanya at baka kung ano pa magawa niya saakin. "O-opo, Tita," matamlay kong sagot sa kanya. Halos lahat ng gawain ay ipinauubaya na niya saakin. Pinaalis na din niya si Manang kaya pati ang pagluluto ay ako nadin ang gagawa. "Mukhang maliwanag na sayo ang lahat. Oh, ito na ang baon mo," sabi niya sabay abot saakin nang pera. Nabigla ako sa 200 pesos na bigay niya. Samantalang si Mommy kung magbigay saakin ay 500. Tapos wala narin akong kotse dahil yun nga yung ginamit ni mommy at daddy na sumabog. Makakaangal paba ako kay tita? Baka mabubugbog lang ako nito. Sa ngayon, kailangang ko nang magtipid. Sa ngayon ay puro nalang sarili ko ang kakausapin ko. Ayokong kausapin si tita bheca. Boses palang kasi niya ay nangangatog na ako. Bago ako naligo at gumayak ay nag post muna ako sa f******k. Sa f******k nalang ako mag bubuhos ng sama nang loob. f******k nalang kakausapin ko. "Nakakalungkot naman. Nawala lang si mommy, ganito na ako kaagad. Magiging katulong pa ako ngayon dito sa bahay. Tapos yung dating baon kong 500 ay 200 nalang ngayon. Tapos wala narin akong kotse dahil kasama yun sa pag sabog. Ang mahal mahal pa naman ng pamasahe. kailangan ko tuloy mag tipid. " pag katapos kong mag post ay naligo na ako at gumayak. Nakakalungkot lang na sa pagpasok ko ay magcocomute na ako. Habang naglalakad ako papalabas ng village ay nadaanan ako ni Jamaica. Naka kotse siya. "Ate Lia, sumabay ka na saakin," alok niya saakin. Tinanggihan ko siya dahil baka madamay pa siya sa galit ni Tita Bhecca. SOMEONES'S POV Nagtatago ako sa may gilid at pinag mamasdan si Lia habang nag lalakad. Grabe! Kitang kita sa mukha nya ang pagkalungkot . Nung nabasa ko yung status nya sa f******k kanina ay naawa ako sa kanya. Kailangan niya siguro ulit nang tulong ko. Kailangan ko siyang pasayahin at protektahan simula ngayon. LIA'S POV At dahil kakaunti lang ang baon ko ay Kaunti lang din ang binili kong pagkain. Kinuwento ko sa mga kaibigan ko ang mala cinderella kong buhay ngayon sa bahay. Nalungkot sila saakin pero nasura sa tita ko. Hindi daw makatarungan ang ginawa nitong pang aapi saakin. Madami silang alok saakin ngunit tinatanggaihan ko lang. Tulad ng ililibre daw nila ako ng food araw araw, pero ayoko. Nakahiya. Nagulat nalang kami ng biglang may lumapit saamin. "Ikaw ba si Lia?" pag tatanong nung babaeng cashier dito sa may canteen. "Oo, bakit?" tanong ko. "May nagpapabigay sayo oh," sabi niya sabay abot ng isang mangkok na adobong baboy at isang mangkok na menudo na may kasama pang saging at softdrinks. Nagtinginan tuloy kami sa isat-isa nila Leslie. "S-sino nag bigay nito?" tanong ko sa babae. "Ayaw nya ipasabi. Umalis narin kasi bigla at sabi nya basta pag nakita kita ibigay ko daw to. Araw araw ka nang libre dito," sabi pa nung babae saka siya tuluyang umalis. "Naku, nakakahiya naman. Sino kaya yun!?" "Taray mo Lia. Sino kaya yun? Ang bait naman nya. Hindi na pala kita kailangan ilibre eh, " nakangiting sabi ni Maureen. Nasa room na kami pero Isip isip ko parin kung sino yun? Nakakahiya kasi eh. Pero siguro hulog sya ng langit saakin. Maraming salamat sa kanya, kung sino man siya pag palain sana sya nang may kapal. Pag uwi ko sa bahay ay marami kaagad saaking inutos si Tita. Inutusan din niya akong mamalengke at ang nakakaasar eh, ako ang magluluto na ngayon.Mabuti nalang at madami na akong alam lutuin. Kasi dati habang nag luluto si manang ay palagi ko syang pinapanuod. Pagkatapos kong magluto ay tinawag ko na si tita Bhecca at Jamaica. Naglagay ako ng tatlong plato sa lamesa. Nilagyan ko narin ng kanin at saka ako naglagay sa isang malaking mangkop ng niluto kong ulam. Ang malas lang dahil hindi ko sinasadyang matalisod kaya aksidenteng natapunan ko ng sabaw si tita bhecca. kakaluto ko lang yun kaya mainit init pa. "ARAY KO! NAPAKA TANGA MO! HINDI KA NAG IINGAT LETCHE KA!" sabi ni tita bhecca. Hinablot niya ang buhok ko at saka niya kinuha sa mesa yung kinuha kong mainit na sabaw at saka niya yun ibinuhos sakin. Nagsisigaw ako sa sobrang sakit. Tumakbo kaagad ako sa kwarto ko. Doon ako nag hahagulgol. Napakasakit ng balat ng mukha ko na halos malapnos sa init. Iyak ako ng iyak. Tawag ako ng tawag kay mommy. "Mommy, sana nandito ka para ipag tanggol ako…" Sana hindi nalang namatay si Mommy. Miss na miss ko na sya. Grabe! Napaka saklap na ng buhay ko. Parang gusto ko na tuloy sumunod kina Mommy at Daddy. Gusto ko na ding mamatay, tutal mukha narin naman akong pinapatay sa mga pinapagawa saakin ni tita. Hindi ko na ata kaya pa dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD