Chapter 11

1264 Words
(Chapter 11) LIA'S POV Tulad ng dati, maaga akong ginising ni Mommy. Habang inaayos ko ang kama ko ay biglang nagsalita si Mommy. "Next week ay aalis kami ng Papa mo. May aasikasuhin kami sa Baguio, kaya pagsanayin mo ng gumising ng maaga. Walang gigising sayo." "Hanggang kaylan po kayo doon?" tanong ko sa kanya. "One week lang naman," sagot niya Pumayag narin ako dahil mukhang importante naman ang lalakarin nila. Matapos naming mag usap ay gumayak na agad ako at saka nag almusal. Nagulat nalang ako nang madatnan kong hindi pa nakagayak si jamaica habang nag aalmusal. Pagdating ko sa School ay nakangiti parin ako. Gandang ganda kasi talaga ako sa Magenta Univesity, parang nasa planet violet talaga ako. Pag pasok ko sa loob ay lahat nanaman sila ay nakatingin saakin. hanggang sa......... Nagulat ako ng biglang may bumato saakin nang itlog at tumama iyun sa ulo ko. “Aray!" Habang naglalakad ako ay pinapaulanan nila ako ng itlog, kaya naman halos maligo ako sa malansang itlog sa kakabatao nilang lahat. Talagang enjoy na enjoy pa sila sa pag babato na mukhang nag p-party party pa. Punong puno na ng itlog ang uniform ko. Halos mangiyak ngiyak na ako tapos lahat sila nag tatawanan pa. Nakayuko akong naglalakad papasok nang room namin. "OMG! What happen to you? Sino gumawa niyan?" gulat na tanong ni Leslie nang makita niya ako. "Yung mga student dito sa school, pinaulanan nila ako ng itlog," mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanila. "Kaya pala kanina nung pumasok tayo, pinag bibigyan nila tayo ng itlog. Sino kaya may pakana nyan?" sambit ni maureeen. SHARMAINE'S POV Nag-iihit ako sa kakatawa dun sa panget na yun habang pinauulanan sya ng itlog. Halos mangiyak ngiyak siya! Ang galing ko talaga gagawa ng plano! Hahaha! Alam nyo ba kung paano ko pinag handaan ang lahat nang yun. Dont worry ik-kwento ko sa inyo. Maaga akong gumising. Madaling araw palang ay nasa M.U na ako. Kahit pala madaling araw palang ay may mga istudyante na kaagad dito. May mga nakita akong mga boys. Inaakit ko muna sila bago ko sila pasunurin sa mga iuutos ko. Rumampa ako ng parang model papalapit sa kanila, para saakin agad mapunta ang atensyon nila. At nang tumingin na sila saakin ay agad na akong nag pa cute sa kanila. "Hello boys" sabi ko sa kanila sa malanding tono sabay smirk. "Hi beauty...." sabay sabay nilang bati saakin at mga mukhang nag lalaway pa. "Favor naman ng mga boys?" sabi ko sa kanila, lalo na akong nag pa cute para naman pumayag sila. "Basta ikaw beauty, hinding hindi ka namin tatanggihan. Ano ba?" sabi nung isang boy. "Tulungan nyo ako! May gusto akong pag-tripan!" taas kilay kong sabi sa kanila. "Mukang tama ka nang nilapitan. Gusto din namin kasi yung mga trip-trip na yan," sagot naman nung isang guy. Ipinaliwanag ko sa kanila kung ano gagawin. Pinakita ko sa kanila ang chakang picture ni Lia. At doon, success ang plano ko. END OF FLASHBACK. LIA'S POV "Halika na muna sa banyo, magpalit ka ng uniform. Papahiramin muna kita, mabuti nalang at may extra ako. Wait at kukunin ko lang sa locker ko." Sabi ni maureen, mabuti talaga at may mga mababait akong friend. "Halika ka na girl, tama na yang iyak na yan," Sambit ni Nel na sabay akay saakin para alalayan ako. Hindi kasi ako matigil sa kakaiyak. Yung ibang classmate namin dito, bulungan at tawanan pa din. Ang sagi nalang akong pinag tatanggol ni leslie. Ngayon masasabi ko, na talagang kaibigan ko na siya.asama talaga nila. Agad naman na akong inakay ni leslie papunta sa banyo at nag palit na ako ng uniform sa doon. Salamat talaga kay maureen at may extra uniform siya. Natapos ang buong araw na hindi manlang ako mangiti. Pati sa pag uwi ko ay natatakot narin ako. Baka kasi mamaya paulanan na naman nila ako ng itlog. Pero laking pasasalamat ko nalang na hindi na naulit ‘yun. Naka uwi ako nang maayos saamin. Inabot ko kay manang yung uniform ko na punong puno nang itlog na nakasupot. "Bakit puro itlog ‘tong uniform mo?" Tanong ni manang. Tulad nga nang sabi ko, hindi ako palasumbong kaya hindi ko sinabi sa kanya ang totoo. "Gumawa po kami ng cake kanina, ‘yun natapunan ako ng itlog, kaya humiram muna ako sa classmate ko ng extra uniform niya. Mabuti nga po at may extra sya eh. Sige po manang matutulog na po ako at Medyo pagod po ako eh." "Kelan pa ng baked ng cake ang mga COSMETOLOGY?" nadinig kong bulong ni manang. hindi ko nalang siya pinansin at pumasok na ako sa kwarto ko. Hindi ko talaga mapigilang mapaluha. Sobra ‘yung ginawa nila saakin. Sino kaya pasimuno nun? Wala naman akong ginagawa sa kanila ah. Natatakot na tuloy akong pumasok sa Magenta University. Baka mamaya paulanan naman nila ako nang bato. Pag pangit hindi na nila ginagalang. Wala ng karapatang sumaya ang pangit. Ang unfair ng life. Matutulog na dapat ako ng may mag text bigla saakin. "Pwede ba tayo mag usap? Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nyo. Hihintayin kitang lumabas." message from Liam. Nagulat ako sa messaga niya. Ano naman kaya ang pag uusapan namin? Kinakabahan ako, baka tanungin na nya ako kung bakit ko sya hinalikan? Naku! naku! pag naman hindi ko sya nilabas don, kawawa naman siya at baka mag hintay nang matagal. Bahala na nga. Bago ako lumabas, syempre nag suklay, konting powder, wisik wisik ng cologne ako. At paglabas ko, nagulat ako. May hawak siyang flowers. Omg! B-bakit may hawak siyang Flowers? "H-hello, Lia. Flowers for you," sabi niya sabay abot saakin ng bulaklak. OMG! Panaginip ba ito? Kuritin nyo nga ako. "B-bakit may flowers pa? Nakakahiya naman." pakipot kong sabi. "Talagang ganun. Tara, mag usap tayo. Doon tayo sa park, medyo maaga pa naman," pang aaya niya. Tuloy sunod naman ako sa kanya. Medyo shock parin ako sa bulaklak niyang ibinigay. Ang lakas maka babaeng marangal haha! While walking, syempre hawak hawak ko yung flowers na binigay niya. Pilingera eh. Pero inaamin ko, kinilig ako kanina nung inaabot nya sakin yung flowers. Nakakagulat lang talaga. Pakiramdam ko ang ganda ganda ko na hahaha! Hanggang sa makarating na kami sa park. "HOY IKAW LIA HA! PAGKATAPOS MONG MANGNAKAW NG HALIK NUNG NAKARAAN ARAW, BIGLA BIGLA MO NALANG AKO TINATAKASAN!" bungad niyang sabi kaya naman nabigla ako. "S-SORRY LIAM. HINDI KO SINASADYA ‘YUN. NABIGLA NGA AKO SA GINAWA KO EH. HINDI KO NGA ALAM KUNG ANO PUMASOK SA KUKUTE KO AT NAGAWA KO ‘YUN. SORRY TALAGA!" Mahiya-hiya kong sabi sa kanya. "’YUN LANG ‘YUN? BIGLA BIGLA KA NALANG MANGHAHALIK? PERO TEKA LIA, MAY GUSTO KA BA SAKIN?" tanong niya bigla kaya naman lalo na akong naging bato. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya iniba ko nalang usapan. "Gusto mo nang makakain? Wait bibili lang ako." Bigla kong sabi sa kanya. Papaalis na ako pero nagulat nalang ako nang bigla niya akong halikan. Napalaki ang mga mata ko. Siya naman ay nakapikit habang mag kalapat ang mga labi namin. Itinulak ko sya saka ako tumakbo paalis. Grabe, nagulat talaga ako dun. Tumuloy agad ako sa kwarto ko pag uwi ko. Laking tanong ko lang kung bakit n’ya ‘yun ginawa? May gusto naba sya sakin? Imposible! Sa itsura kong ito ay hinding hindi siya mag kaka gusto saakin. Napatingin na naman ako dun sa flowers na bigay nya. Bakit din kaya niya ako binigyan ng flowers?? ANO BA TALAGA? MAY GUSTO NA KAYA SYA SAKIN? NAGUGULUHAN NA TALAGA AKO!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD