Chapter 5

794 Words
(Chapter 5) LIA'S POV Nagising akong pawis na pawis. Ang sakit ng ulo ko grabe! Dahil siguro kagabi sa b-day party ni Venice. Medyo kasi nakatuwaan naming umiinom ng alak kaya ayun na bangenge kami. Lumabas ako ng kwarto dahil sobrang uhaw na uhaw ako. Pag labas ko nang kwarto ko ay napalaki nalang ang mata ko sa nakita ko. "MOMMY??!!!" Halos mapa luha ako nang makita ko si Mommy na nakahandusay sa sahig at walang malay. "Mommy!!! Anong nangyari sayo!?" Agad kong kinandong sa hita ko si Mommy. Duguan siya at may laslas ang leeg. Halos nagwawala ako sa sobrang pag iiyak. Nakita kong biglang lumabas si tita bhecca sa kwarto niya at may dala-dala itong kutsilyo. Yung kampit na hawak niya ay may dugo nadin. "T-tita? B-bakit ka may hawak na kutsilyo? Bakit may dugo din yan? Ikaw ang pumatay kay Mommy?"Takot na takot ako nang makita kong nanlilisik ang mga mata ni tita Bhecca. Napatayo na ako bigla. Laking gulat ko naman nang bigla-bigla akong tutukan nang kutsilyo ni tita bhecca. "Isusunod na nakita Lia! Humanda ka!" Pananakot niya. Mukhang ilang segundo nalang ay sasaksakin na niya ako. Kaya naman napatakbo na ako sa may kusina. Nagtago ako sa may bodega. Pinatay ko ang ilaw para hindi ako makita ni tita. Kasi pag patay ang ilaw. wala siyang makikita. Masyadong madilim. Halos mag kanda pawis ako sa sobrang takot sa kanya. Sobrang nangangatog narin ako. Bakit kaya ginagawa ito ni tita bhecca? Sarili niyang kapatid pinatay niya! Wala siyang Awa! Mayamaya ay nakarinig ako ng mga yapak ng paa. At mukhang papalapit na nang papalapit yung yapak nayun sa kinaroroonan ko. Hanggang sa may madinig na akong nagsalita. "Lumabas kang panget na bata ka! Papatayin kita! Lalas-lasin ko yang leeg mo! ‘Wag ka nang mag tago dahil makikita din kita!" Sigaw niya na tila mukhang dimonyo ang kanyang boses. Sobrang takot na takot na ako. Siguro kung may sakit ako sa puso ay kanina pa siguro ako inatake. Bigla nalang bumukas yung pintuan ng bodega kung saan ako naroroon. Bigla naring bumukas ang ilaw kaya...patay, nakita na niya ako. "Wag po Tita! Maawa po kayo saakin!" Mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya. "Wala akong awa pag dating sa mga panget! Saka dapat ang mga panget, pinapatay." Susunggaban na nya ako ng kutsilyo kaya naman bigla ko syang itinulak. Nakalabas ako ng bodega at dali dali akong tumakbo papalabas doon. Agad akong tumungo papalabas ng bahay. Isa pa sa kinagulat ko. Si jamaica? Totoo ba ito? May kahalikan siya sa may garden na bahay namin. At lalo kong kinagulat nang si Liam pa pala iyon. Hindi ko nalang pinansin sila dahil mas uunahin ko na ang buhay ko. Tumakbo nalang ako papalabas ng gate. Sakto namang may mabilis mag paandar nang kotse kaya naman nadunggol ako nang sasakyan na yun at tumilapon ako nang malakas sa kalasada. Tuloy tuloy lang sa pag andar yung sumagasa saakin at hindi manlang ako binaba para tulungan ako. Naligo ako sa dugo habang nakahandusay sa kalsada. Halos nag didilim na yung paningin ko. Mayamaya, bigla nalang may liwanag na bumukas galing sa itaas. Ano ito? Dito na ba mag wawakas ang buhay ko? Kukunin na ba ako ni Lord? Grabe! Wala manlang akong naranasang ligaya sa buhay ko. Pero okay lang, na kiss ko naman na sa lips si Liam. Kaya sige. "LORD KUNIN NYO NA AKO." "Anak!" "Anak!" "Anak!" "ANAK! GISING BINABANGUNGOT KA!" Pag dilat ko ay bigla kong nakita si Mommy. Tinignan ko din yung leeg niya kung may sugat. Hinawakan ko din yung ulo ko kung dudumudugo. "PANAGINIP LANG PALA ANG LAHAT!" Nagising ako na may luha ang mga mata. Agad agad kong niyakap si Mommy. "Mommy!! Napanaginipan ko po kayo na pinatay po kayo ni tita bhecca at nasagasaan po ako ng sasakyan," kwento ko kay Mommy habang yakap-yakap siya. "Tahan na. Panaginip lang ‘yun. Saka mag bihis kana nga. Hanggang ngayon na dress ka parin," sambit ni mommy. Nakatulog nga pala ako kagabi nang hindi pa nag bibihis. sobrang napagod kasi ako kagabi eh. Tapos nalasing pa. Kinuwento ko din sa ljs chicks ang nightmare ko, nag react naman agad si Jamaica. "Ew! Ako!? Nakikipag halikan kay Liam? HAHAHA! kakaiba naman yang panaginip mo Ate Lia!" Nakangiwing sabi ni Jamaica. "Oo! Hahaha! Iyak nga ako nang iyak pag ka gising ko eh! Akala ko kasi totoo na." Dinala ko na din yung payong na pinahiram saakin ni liam. Nakakahiya dahil ang tagal na saakin nun. "Paki-abot na lang sa kuya mo itong payong niya. Salamat kamo ng marami." Wala na akong panahon makipag usap at makipag kita kay Liam. Simula ng malaman ko may nililigawan na siya ay nawalan na ako ng gana sa kanya. Im so sad talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD