Chapter 6

1212 Words
Jhanelle's POV Habang kinakain ko ang pagkain na kinuha ko ay hindi ako mapakali. Isip-isip ko parin yung sabi ni Mr. Morgan. Posible nga kayang si Papa ang tinutukoy niya. Naalala ko tuloy yung kinuwento ni Aprille saakin. Binalaan niya ako. Kung nakinig lang ako ay hindi sana mangyayari ito saamin. Naalala ko din yung babaeng nag viral sa f******k. Hindi kaya, nandito din siya? Gusto kong lumingap-lingap pero hindi ako pwede lumingon, dahil bawal. Natatakot na talaga ako sa susunod na gagawin nila sa lalabag sa rules. Pero teka, kung pinatay nila si Lester. Nasaan naman kaya si Nel? "Mag bigay pugay saating pinuno." Sambit ni Mr. Morgan. Lahat kami ay napatingin sa pumasok na isang lalaki na may hawak na tungkod. My God! Tama nga ang hinala ko. Si papa ang Doctor Jamieson na sinasabi nila. Patay na kami nito. "Sa wakas, marami na naman akong bisita. Tiyak na masisiyahan na naman nito ang anak ko." Sambit ni Papa. Sino ang sinasabi niyang anak? Si Ate kaya? Posible bang buhay pa si Ate? "By the way, im doctor Jamieson. Ako ang diyos niyo dito. Ako lang ang susundin nyo. Hawak ko kayong lahat sa leeg, kaya wag nyong susuwayin ang iuutos ko." Sambit niya. Bakit nagkaganito si Papa? Hindi naman siya ganyan dati ah. Nasaan na ang papa kong mabait noon? Ibang iba na siya ngayon. Minamasid masid niya kaming lahat, hanggang sa mahinto ang mata niya sa akin. Nakilala niya kaya ako? Pinagtataka ko lang ay bigla siyang nag walk-out. Bago ito pumasok sa loob ay pumitik ito at agad namang sumunod sina Mr. Morgan, Felix at Grego. Doon, nakakuha kami ng pagkakataong magtinginan. Tumingin ako sa mga kaibigan ko. Halos lahat sila ay lugmok ang mukha at maga din ang mata. "Pagkakataon na nating tumakas." Biglang nagsalita yung babaeng nag salita din kanina. Hindi talaga siya nadadala na maparusahan. "Tumigil ka, Yanna. Hindi pwede iyan, mapaparusahan ka ulit." Sambit ng isang babae. Mukhang kaibigan niya ata. "Tara, Jhamie, tumakas na tayo." Sambit nung Yanna. Sila lang ang nagsasalita. Ang tatapang nila. Hindi sila natatakot na maparusahan. Nagulat nalang ako ng biglang tumayo si Ada. Nakayuko itong naglakad at kumatok sa pintuan kung saan pumasok sina Papa at Mr. Morgan. Mayamaya pa ay pinagbuksan siya ni Mr. Morgan. Humingi ng papel si Ada kay Mr. Morgan at saka nag sulat. Matapos magsulat ay tinuro niya si Yanna at Jhamie. "Yanna, second warning kana! Isa nalang. And Jhamie, first warning!" Lumapit si Mr. Morgan kay Jhamie at kinuha niya rin ang pagkain nito. Matapos nun ay pumasok na ulit si Mr. Morgan sa isang kwarto. Nabigla ako sa ginawa ni Ada. Hanggang dito, ang b***h niya parin. "Bakit ang epal mo! Sumbungera ka!" Nagsalita ulit si Yanna. Patay siya. Pangatlong paglabag na ang ginawa niya. Hindi sumagot si Ada. Bagkus ay tumayo ulit siya at kumatok ulit sa pinto. "Wag! Maawa ka saakin. Wag mo akong isumbong." Sinundan siya ni Yanna. Nagmakaawa siya kay Ada. Dahil sa may pagkalukangkang si Ada ay tinuloy niya parin ang balak niya. Bumukas na ulit ang pinto at Lumabas na ulit si Mr. Morgan. Kumuha ulit si Ada ng papel. Tulala at naghihintay si Yanna sa mangyayari. Mayamaya ay tinuro na ulit ni Ada si Yanna. "Third warning, Yanna. Youre dead!" Lumabas na si Felix at Grego sa isang kwarto. "Maawa kayo! ‘Wag nyo akong patayin." Nagpupumiglas si Yanna. "Epal kang babae ka! F*ck you ka!" Sigaw ni Yanna kay Ada. May tinusok si Felix kay Yanna, upang mawalan ito ng malay. Binuhat na siya ni Grego at Hindi na namin alam kung saan siya dinala. Parang ang pangit ata ng ginawa ni Ada. Nakakaawa si Yanna. Tiyak na papatayin na siya ngayon. Mayamaya ay biglang may bumukas ang malaking Tv Screen sa taas ng ding-ding dito sa food Room. Laking gulat lang namin ng si Yanna ang nandun. Nakatali ang leeg niya at nakatungtong siya sa isang upuan. Grabe, mukhang ipapakita pa nila saamin kung paano nila papatayin si Yanna. Grabe talaga itong patakaran ni Papa. Baliw na nga siya. "Manuod kayong lahat. Ganito ang mangyayari sa lahat ng hindi sumusunod sa mga rules." Sambit ni Mr. Morgan at sinipa na niya ang upuan na pinang tutung-tungan ni Yanna. Sumabit siya at nabigti ang leeg. Nag pumiglas si Yanna dahil hindi makahinga. Nangingisay ngisay ang katawan niya habang nakabigti. Halos lahat kami ay napapangiwi sa pinapanuod. Hanggang sa maihi na si Yanna sa short at dun nalagutan na siya ng hininga. Kitang kita namin kung paano patayin si Yanna. Nang wala ng buhay ito ay binaba na nila ito sa sahig. Hindi pa tapos ang balabas. Biglang sinaksak ni Felix ang puso ni Yanna. Binukangkang niya ito at dinukot ang puso. Naglapag ng garapon si Grego at nilagay nila dun ang puso ni Yanna. Ano kayang gagawin nila sa puso ni Yanna? Tulad kaya niya ay kinuha kaya din nila ang puso ni Lester. Nakakadiri ang mga pinag gagawa nila. Bago tuluyang patayin ang video ay nagsalita muna ulit si Mr. Morgan. "Kung gusto nyong maranasan ang naranasan ni Yanna, lumabag din kayo sa mga rules!" Sambit ni Mr. Morgan at saka nawala ang video. Grabe! Ang bubrutal nila. Lalo ko na ngayong kinamumuhian si Papa. Dimonyo nga sila. Wala silang awa. Nel's POV Hindi makatarungan ang ginawa nila saakin. Nahuli ako nung isang lalaki habang tumatakbo ako kaninang umaga. Binigyan niya ako ng isang malakas na suntok sa mukha dahilan para mawalan ako ng malay. Pag gising ko, nandito na ako sa isang maliit na bahay. Kagigising ko palang ng bigla pumasok ang dalawang lalaki. "Saan nyo ako dinala? Mga gago kayo! Ako naman ba ipapaing nyo sa babaeng halimaw sa ilalim ng puno?" Pansisigaw ko sa kanila. "Hindi. Hindi ka ipapaing doon. Maswerte ka at paunti-unti ang gagawin naming pag patay sayo. Kailangan ka namin. Katawan mo ang ipapakain namin sa mga bisita naming babae dito." Matapos sabihin nung isang lalaki iyon ay agad nilang tinakpan ang bibig ko gamit ng isang bimpo. "Huminga ka ng malalim at matindi tindi ang sakit na mararamdaman mo." Sambit ng isang lalaki na pinagtataka ko bigla. Anong gagawin nila? "Anong gagawin nyo, mga hayop kayo!" Pagsisigaw ko kahit may bimpo ang bibig ko. Mayamaya pa ay napasigaw nalang ako ng tinaga bigla ng isang lalaki ang isa kong binti. Tagos na tagos sa buto ko ang sakit na naramdaman ko kaya napasigaw ako. "Aray kooo! Putang-ina niyo! Mga hayop kayo!" Sigaw ko. Halos maiyak ako sa ginagawa nila. Hindi nila tinitigil ang pag tataga sa binti ko hanggang hindi iyun napuputol. Nang tuluyang maputol ay inilagay nila ang isang binti ko sa isang palanggana. Halos tumulo ang isang damak-mak kong dugo sa binting naputol. Namutla ako sa ginawa nila saakin. Hanggang ngayon ay damang dama ko ang sakit sa pagkaputol ng binti ko. "Sige na, dalni mo na iyan sa Food room para mailuto na. Nagugutom na ang mga bisita nating babae." Sambit nung isang lalaki. "Wag kang mag alala, bakla. Mga kaibigan mo naman kakain ng binti mo. Mapapakinabangan kapa nila." Sambit niya at iniwanan na akong mag isa dito sa isang kwarto. Halos mapuno ng dugo ang sahig. Naghina rin ako bigla. Mukhang sa ginawa nila ay hindi na ako tatagal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD