Chapter 9

1293 Words
Jhanelle's POV Para akong nabunutan ng tinik. Akala ko ay dito na sa gitna ng gubat na ito magtatapos ang buhay namin ng mga kaibigan ko. Maraming salamat nalang kay Papa at hindi pala siya ganung grabeng kasama. Masyado akong naniwala kay Mommy kaya pati ako ay natakot na sa kanya nung una. "Salamat! Salamat Jhanelle. Akala ko talaga, magiging Pipi na ako habang buhay." Sambit ni Bethy na ngayon ay kakaligo lang. "Oo nga. Salamat at ligtas na tayo. Akala ko talaga ay mamamatay na tayong lahat dito." Ani ni Jessa na kumakain ngayon. Nagutom ata ang gaga. Hindi kasi kami makakain ng maayos ngayong puro takot ang nasa puso namin. Lahat kami ay maayos na ang pakiramdam. Masaya na, pero hindi parin daw pwede kaming umalis ng Jaika's Retreat House. Kailangan daw muna naming tuparin ang pinangako ni Papa kay Ate. Oo, kinuwento ko narin ang lahat lahat sa kanila. At dun, kilala na nila kung sino ang pinaka natakot. "Basta, tatabi ako sayo Ada sa pag tulog. Ikaw ang pinaka matapang. Ipagtanggol mo ako sa kapatid ni Jhanelle, sakaling magpakita yun." Sambit ni Nikki. Duwakang talaga. "Gaga! Safe tayo dito sa Red room. Hindi makakapasok dito si Jaika, kaya wag kang shunga. Ang duwag duwag mo talaga!" Iritang sabi ni Ada. "Uy ikaw Ada ah! Ang bad mo. Dahil sayo, namatay si Yanna. Sumbungera ka. Hahahaha!" Sambit ni Bethy. "Ginawa ko talaga iyun dahil gusto ko makita kung paano sila mag parusa. Nung makita ko nga kung paano patayin si Yanna, bigla akong naawa. Naging masyado pala ako sa kanya. Sana lang hindi niya ako multuhin." Sambit ni Ada. "Kawawa si Yanna. Ang brutal ni Mr. Morgan. Tinusok ba naman at kinuha niya ang puso nito.Alam nyo, ang baho siguro ng hininga ni Mr. Morgan. Ang itim ng mga ngipin niya eh." Maarteng sabi ni Nikki. "Nung kinausap niya nga ako, natalsikan niya ako ng laway, Kadiri!" Sambit ni Joy. Maaga kaming natulog lahat. Ngayon gabi lang kasi makukumpleto ang tulog namin. Puyat kami kagabi at pagod din maghapon. Habang mahimbing kami sa pagkakatulog ay isang malakas na sigaw ang nagpagising saamin. "Ahhhhhhhhh!" Sigaw ng kung sino na galing sa labas. "Ano iyun?" Si Nikki agad ang unang nag salita. "May pinatay na naman kaya ang Ate mo?" Tanong ni Joy. "Hindi ko alam. Baka." Maikli kong sagot. Felix's POV "Patay na iyun panigurado." Sambit ni Grego. May dinala na naman kasi kami na isang bihag sa malaking puno. Once kasi na sumigaw nayun ay dun na magwawakas ang buhay niya. Alam namin na ayaw ng maingay ni Jaika. Papatayin siya nito para matigil lang ang ingay. "Ang sarap niya kuya." Biglang sabi ni Grego. "Wag mong sabihing, ginalaw mo muna siya bago dalin dun?" Tanong ko. "Ganun na nga. Libog na libog na kasi ako. Saka, nag paalam naman ako kay Mr. Morgan at pinayagan naman niya ako. Matagal na kasi akong hindi nakakaranas nun. Miss ko na nga girlfriend ko eh." Mahaba niyang pahayag. Malibog talaga itong kapatid ko. "Bastos ka talaga! Multuhin ka sana niya." Natatawa kong sabi. "K-kuya?" Napatigil ako sa pagtawa ng mag iba ang mukha ng kapatid ko. Nanlalaki ang mata niya at nakatingin siya sa likuran ko. "Ayoko sabi ng maingay!" Dun nalang ako natakot ng madinig ko ang boses nayun. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Jaika yun. Napasigaw si Grego sa sobrang takot. Pinigilan ko siya dahil lalong magagalit si Jaika. "Wag kang sumigaw. Lalo siyang magagalit." Lumutang bigla si Grego. Humangin ang buong paligid. Malakas na malakas. "Wag mong patayin si Grego anak." Nagulat kami sa pag sulpot ni Doctor Jamieson. Doon biglang nalaglag sa damuhan si Grego. "Pagsabihan mo sila. Ayoko ng maingay!" Pagkatapos nun ay bigla ng naglaho si Jaika. Muntik na dun ang kapatid ko. Nang tignan ko si Grego ay namumutla ito at takot na takot. "Sa susunod kasi, sa loob na kayo mag kwentuhan at magkatawanan." Sambit ni Doctor Jamieson. "Sorry po. Hindi na po mauulit." Sambit ko. "Salamat po Doc. Kung hindi kayo dumating, sigurado, bali-bali na ang buto ko." Sambit ni Grego. Natawa ako bigla. Nawala pagkamatapang niya. "Sige na, pag mahimbing na sa pagkakatulog ang mga dalaga ay kunin nyo na ang isa sa kanila. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila pag naghanap sila." Sambit ni Doctor jamieson na tinanguan lang namin. Jhanelle's POV Pag gising namin ay maayos na ang pakiramdam namin. Masarap sa feeling na buo ang tulog. "Ay sarap!" Sabi ni Ada ng magising siya. "Kompletong kompleto tulog natin ah!" Nakangising sambit ni Joy. "Oh ba't wala si Bethy? Ang aga niya atang nagising?" Sambit ni Jessa. Siya kasi ang katabi nito. "Baka nasa labas lang. Namamasyal." Sagot ni Nikki. "Baka nga nasa labas lang, nagpapahangin. Mabuti ay magluluto na ako ng almusal natin." Sambit ko. tatayo na sana ako ng biglang pumasok si Papa. "Anak!? Tumakas ang isa niyong kaibigan kagabi. Nakita siya ni Grego at Felix na tumatakbo. Hindi siya naabutan nila Grego. Hindi ko alam kung makakalabas siya ng buhay dito sa gubat. Bukod kasi sa maraming mababangis na hayop dito ay hinding hindi niya matatakasan ang bangis at pandinig ng kapatid mo, sakaling mag ingay siya ng pagtakbo sa damuhan. Papatayin siya nito." Mahabang pahayag ni Papa. "My god! Tumakas si Bethy? Bakit niya yun ginagawa?" Tanong ko. "Nakapagtataka. Bakit nga siya umalis?" Nalilitong tanong ni Jessa. "Hindi na siya siguro makapag antay. Uwing uwi na siguro siya.Sana lang makaligtas ang kaibigan natin." Nalulungkot na sabi ni Joy. "Napakagaga niya. Pinabilis lang niya ang buhay niya. Dito ligtas siya. Hindi nag iisip ang gagang yun!" Inis na sambit ni Ada. Sana nga makauwi siya ng maayos. Grego's POV Walang kaalam alam sina Ma'am Jhanelle, na hawak na namin ang kaibigan nilang si Bethy. Umiiyak ito habang nakatali. Tulad na sabi ko sa pinaplano ko, pinag samantalahan ko siya kagabi. "Hayop ka! Makawala lang ako dito, isusumbong kita kay Jhanelle at sa papa niya. Hindi mo ba alam na iniingat ingat ko iyun. Ibibigay ko lang iyun sa taong mahal ko, pero anong ginawa mo? Pinagsamantalahan mo ako. Tang ina ka! Patayin ka sana ni Jaika!" Galit na galit siya. "Wala na. Hindi kana makakapag sumbong, dahil papatayin na kita!" Sambit ko. Agad kong nilaslas ng kampit ang leeg niya. Doon tumagas ang sandamakmak niyang Dugo. Sa paghiwa ko palang sa leeg niya ay nalagutan agad siya ng hininga. Nangingisay ngisay siya habang lumalabas ang mga dugo sa leeg niya. Sunod kong ginawa ay dinukot ko na ang puso niya. Nakangisi lang si Mr. Morgan habang pinapanuod ako. Tinuruan niya kasi ako kung paano pumatay. "Sanay na sanay kana, Grego. Magaling ang ginawa mo." Nakangisi niyang sabi saakin. Mayamaya ay napatingin si Mr. Morgan kay kuya Felix. "Humanda ka, Felix. Bukas, ikaw naman ang papatay sa isang kaibigan ni Jhanelle." "Mr. Morgan, ayaw ko po. Hindi ko po kaya." Sambit ni kuya Felix. Ganyan yan eh. Masyadong duwag at hindi kayang pumatay. Hanggang suntok lang ang kaya niya. Puro ako nga pumapatay sa mga nagiging bihag dito eh. "Hindi pwede. Kailangan mong matuto." Pangungulit ni Mr. Morgan. "Mr. Morgan, hindi ko po talaga kaya." Ayaw talaga ni kuya. "Papatay ka o ako ang papatay sayo?" Natakot ako sa sinabi ni Mr. Morgan. Kapag kasi sinabi niya ay gagawin niya. Delikado si Kuya. Brutal yang si Mr. Morgan. kailangan niyang sundin lahat ng iuutos nito at kung hindi, papatayin talaga siya nito. "Sumagot ka. Papatay ka o ako papatay sayo?" Tanong ulit ni Mr. Morgan. Tinignan ko lang ng masama si kuya para sabihing sundin na niya ito. "Oo na po. Ako na po. Ako na po ang papatay bukas sa isang kaibigan ni Ma'am Jhanelle." Nakangiwing sambit ni kuya. Sa wakas, nakahinga din ako ng maayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD