Teaser

401 Words
"Nasaan ako? Tanggalin nyo ang takip sa mata ko!" Sigaw niya. Hindi niya alam kung nasaan siya. Ang nararamdaman lang niya ay dinala siya sa isang damuhan. "Ayan! Wala na ang takip sa mata mo. Goodluck sa makikita mo mamaya," sambit ng isang lalaki na nagdala sa kanya sa ilalim ng malaking puno. "Bakit nyo ginagawa saakin ito?" Nakasigaw na tanong niya. "Lumabag ka sa mga rules ni Dr. Jamieson. Ang tigas ng ulo mo kasi. Sayang ka, maganda ka pa naman!" "Halika ka na, pare. Malapit ng mag alas-dos." "Teka! Hoy anong mangyayari?" Tanong niya pero hindi na sumagot ang dalawang lalaki sa kanya. Doon, tinubuan na ng takot ang babae. Tatakbo na sana siya, pero laking gulat niya na nakatali pala ang paa niya sa puno. "My god! Tulungan nyo ko!" Pag sisigaw niya. Nagsimula ng pumatak ang mga luha niya na kanina pa gustong kumawala. Mayamaya ay biglang lumakas ang hangin. Tila ba may bagyong paparating na pati ang mga puno sa kapaligiran ay tila mapuputol. Halos madalim ang buong kapaligiran dahil eksakto alas dos na ng madaling araw. "TULUNGAN NYO KO!" Hindi tumutigil sa pag sisigaw ang babae. Garalgal na ang boses niya dahil sa pag iiyak. "Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay maingay!" Napatigil sa pag sigaw at pag iyak ang babae ng makadinig siya ng isang salita na tila umi-echo na parang ang boses ay galing sa ilalim ng lupa. Laking gulat nalang ng babae ng pag tingin niya sa harapan ay may isang babaeng nakaputi na walang ka ekspre-ekspresyon ang mukha. Inaagnas ang mukha nito at talaga namang nakakatakot. "Ahhhh!" Napatili ang babae sa nakita niya. "Ayoko sabi ng maingay!!!!" Nagulat ang babae ng biglang mahatak ang dila niya na kahit hindi manlang lumalapit o hinahawakan siya ng babaeng inaagnas. Tumulo ang purong dugo sa bibig ng babae. Mayamaya pa ay nagulat siya ng agad agad na napunta ang babaeng inaagnas sa harapan niya. Mabilis at walang anu-anoy dinukot nito ang puso ng babae. Lumagaslas ang dugo sa pagkawala ng puso niya. At doon din tila lumuwa ang mata ng babae sa sakit ng naramdaman niya. "Sabi ng ayaw ko sa maingay!" Sa pamamagitan ng pagtitig ng nakakatakot na nilalang ay pinalutang niya ang babaeng nakaluwa ang dila at walang puso. Sa itaas ay binali niya ang kalahati ng katawan ng babae. Walang awa niya itong pinatay hanggang sa magkabali-bali ang buto nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD