Kesha's POV
Andito na kami ngayon sa labas nang mansion nina gregory mula sa labas ay dinig na dinig ko ang malakas na tugtug.
Nang makapasok kami sa bahay ay namangha ako napakaganda nang mga desenyo, at yong mga bisita niya halatang mamayaman.
Huminto ang magulang ko sa pag lalakad kaya huminto din ako, at tumingin sa harap agad ko namang nakita si Gregory na malaki ang ngiti sa mga labi habang nag lalakad siya palapit sa amin.
"Gregory happy birthday iho pasensiya kana kong wala kaming dala" kami lang ata dito ang walang dalang regalo para kay Gregory.
"Ahh di napo yon importante. Ang importante po ay andito kayo at dumalo sa kaarawan ko" diretso ang tingin niya sa akin habang sinasabi niya yon kaya medyo na ilang ako.
"Diretso napo tayo sa kusina para maka kain na kayo I'm sure gutom na po kayo" gusto pa sana ni Gregory na igaya kami sa kusina pero may tumawag sa kanyang lalaki kaya kami nalang ang pumunta sa kusina.
Nang maka dating kami sa kusina ang agad bumungad sa amin ang iba't ibang klasing ulam, may sea foods, may pork, may chicken din, marami din silang dessert kagaya nang cupcakes, chocolates, macaroons, at iba pa.
"Wow ang dami namang pag kain ate at masasarap pa" dinig kong bulong sa akin nang aking vunsong kapatid.
"Oo kaya kumain ka nang marami ha mag pa ka busog ka kasi di na tayo kakain sa atin kaya dapat busugin mo ang tiyan mo" pabalik kong bulong sa kanya na agad naman niyang ikina tango.
Madami kasing tao ehh kaya nakakahiya kong lalakasan namin ang boses namin habang nag uusap kaya nag bulong bulongan nalang kami.
Kumuha na kami nang pag kain at umupo at sinimulan nang kumain sea food ang nasa plato ko favorite ko kasi ang sea food pero minsan lang ako kumakin nang sea food.
Mahal kasi ehh tapos pag nakakain ako isda o shrimp lang ang kaya nang pera ko kailangan ko pang mag tipid para maka bili ako.
Kumain lang ako nang kain ang sarap talaga ehh, pagkatapos kong kumain ay nakita ko naman ang kapatid kong nag e-enjoy sa oag kain nang cupcakes.
Napatawa nalang ako nang mahina nang nakita kong may chocolate pa sila sa mga pisngi nila, kumuha ako nang tissue at agad ko itong pinunasan.
Busy sa pakikipag usap si mama at papa sa ibang katulong nila dito sa mansion na naging bisita din nila ang dalawa kong kapatid ay andon din kina mama at papa.
Napag isipan ko nalang na lumabas muna para mag pa hangin, nang tuluyan akong naka rating sa gardin nila ay agad kong natanaw si gregory sa swimming pool kasama ang iba niyang kaibigan may mga babae ding pilit na kinukuha ang atensyon niya.
Umupo nalang ako sa duyan at pinag mamasdan sila, ang saya nila para silang walang problema sa buhay.
Ganyan siguro ang pakiramdam no kapag mayaman ka di mo na kailangan pang isipin kong anong pwede mong gawin para lang makapagtapos kalang sa pag aaral kasi may pera kana eh.
Maraming kaibigan, mabibili mo kong anong gusto mo, makakain mo kong anong gusto mong kainin, ang sarap nang buhay nilang mamayaman samantalang kami kumakayod nang mabuti para lang mabuhay.
Tinitiis na magutom para lang may maipon para sa pag aaral, tinitiis na tubig lang muna ang gagawing lunch maka pasa lang nang project at maka bayad nnag ibang bayarin sa school.
Maka bili lang corn beef at century tuna ay sarap na sarap na kami, minsan lang kasi kami makakain nang ganyan ehh.
Nasanay nalang kami na laging dried fish ang ulam namin, minsan nakakapag ulam kami nang baboy pero minsan lang din naman, nakakain kami tatlo o apat sa isang buwan.
Pero kahit ganon ay nag papasalamat padin kami kasi kahit ganon ay mag kinakain pa kami.
"Nak ayos kalang? Bat ka umiiyak?" Nahinto ang pag iisip ko nang biglang nag salita si papa sa gilid ko.
Tinignan ko siya at agad naman niyang pinunasan ang mga luha sa muka ko.
"Ayos lang po ako tay may na isip lang po ako" sabi ko sabay ngiti sa kanya.
"Sorry nak ha, sorry kong di namin kayang pa aralin ka, sorry kong kailangan mo oang mag trabaho para lang maka pag tapos ka sa pag aaral at para maka kain ka nang masarap sorry kong wala kaming kwentang magul-"
"Tay wag mong sabihin niyan, tay kayo kaya ang pina ka dabest na parent's kaya kasi kahit anong hirap kinakaya mo para sa amin nang mga kapatid ko kaya wag mong sasabihin na wala kang kwenta kasi di kami mabubuhay kong di mo kami sinusupurtahaan oo minsan di kasiya ang perang nakukuha mo pero tay malaki din ang naitulong don sa atin kaya tay please naman wag mong sabihin na wala kang kwenta kong ginawa mo naman ang lahat para lang mabigyan kami nang magandang kinabukasan"
Mahabang turan ko sa kanya habang umiiyak diko na kasi mapigilan ang luhanv lumalabas sa mga mata ko.
"Bukas kana luluwas nang maynila nak malalayo kana sa amin ma mimiss ka namin. Pero kahit malayo ka nak lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin nang mama mo" mas lalo akong napa luha dahil sa sinabi ni papa niyakap ko nalang siya at tumango.
Habang inaayos ko ang bag ko ay biglang bumukas ang pinto nang kwarto ko, agad pumasok ang dalawa kong kapatid na ngayon ay iyak nang iyak.
"Ano ba kayo nmbat ba kayo umiiyak lukuwas lang nang maynila si ate para mag aral diko naman kayo iiwan ehh" pag tatahana ko sa kanila, at niyakap ko sila.
Napatingin naman ako kina mama at papa na ngayon ang na mumula na ang kanilang mga mata, sure ako na pinipigilan lang nilang wag umiyak sa harap ko.
"Ito anak ohh ten thousand inipon ko yan nang anim na buwan para may baon ka ngayon sa pag luwas mo sa maynila" inabot sa akin ni tatay ang pera, three thousand lang ang pera ko kaya tinanggap ko ito.
Pinipigilan ko din na wag ma iyak sa harap nila, niyakap ko nalanh sina mama at papa nanag mahigpit.
Di nag tagal ay mag narinig kaming bosena nang tricycle sa labas nang bahay hudyat na andiyan na ang sundo ko.
Sinamahan nila ako habang tuluyan na akong maka labas nang bahay, ngumuti muna ako sa kanila bago sumakay sa tricycle.
Umandar na ang tricycle kaya kumaway ako sa kanila hanggang hindi ko na sila makita.
Sana makapagtapos na ako nang pag aaral, at sana din ay maganda ang pakikitungo nang mga estudyante sa paaralang papasukan ko.