Kesha's POV
Maaga akong gumising para mag luto nang breakfast bago pumasok sa trabaho ko, ako ang unang nagising sa amin tulog pa sila si mama, papa at ang dalawa kong kapatid.
Naka luto na ako nang kanin, ulam nalang ang lulutuin ko kumuha ako nang tatlong itlog at anim na kamatis.
Hinugasan ko muna ang kamatis bago ko ito hiwain, pagkatapos ko itong hiwain ay agad ko itong nilagay sa platong may itlog nilagyan ko ito nang pampalasa bago lutuin.
Sakto saktong pag baba nila mama,papa at nang mga kapatid ko ay chaka din ako natapos nang pag luluto, nang nakita nila ako ay agad silang ngumiti.
"Good morning nak. Aga mo ngayon ha" bati sa akin ni mama at hinalikan ang aking pisngi.
Ngumiti ako sa kanya bago ko hinalikan ang pisngi niya at pisngi ni papa at payi nadin sa dalawang kong kapatid.
"Maaga akong pupunta sa trabaho ma ehh" umupo na sila kaya pinagpatuloy ko na ang paglapag nang kanin at ulam sa mesa.
"Oo nga pala nak no buti nalang talaga vacation niyo ngayon, makakapag pahinga ka naman kahit na kunti" working student kasi ako, nasanay na ako simula noon na pinag sasabay ang pag aaral at pag tratrabaho.
Kailangan ko kasing kumayod di lang para sa sarili ko kundi pati nadin sa pamilya ko.
"Oo nga po ate noon kasi nong may klasi kapa wala kana pong time na mag pahinga at matulog, kaya nga po lagi kayong puyat ehh alagan niyo naman po yang health niyo ate di pa naman madali mag trabaho lalo na pag nag kasakit ka"
Ngumiti lang ako nang pikit habang tinitignan ko ang kapatid kong babae na si Zandra, bata pa sila pero alam na alam na nila kong gaano kahirap mabuhay sa mundong ginagalawan namin ngayon.
Swerte nga namin ang tatlong beses na kami nakakain ngayon noon kasi minsan dalawang beses lang kami kumakain sa isang araw para may makain pa kami bukas.
Simula nong nag trabaho ako ay bumibili din ako nang pag kain namin kagaya nang bigas at ulam, ang lagi ko lang nabibiling ulam ay yong tuyo at sardinas at chaka itlog yon lang kasi ang di masiyadong mahal eh, kaya yon lang din ang naka nang pera ko.
" Opo ma'am kahit na pagod si ate sa pag tratrabaho at sa school diko po pabayaan ang health ko" ngumiti lang siya sa akin nang matamis bago tumango tango.
"Tama si zandra anak lalo na't luluwas kana sa maynila, kinakailangan mo talagang alagaan ang sarili mo hindi kaya madali mag isa sa lugar na walang kakilala kundi ang sarili mo"
Ilang linggo nalang at kailangan ko nang lumuwas nang maynila upang ipag patuloy ang pag aaral ko.
Kailangan ko din mag hanap nang trabahong pwede kong mapa sukan, kailangan ko kasing mag trabaho kahit na may scholarship ako.
Di naman sagot nila yong pag kain ko sa pang araw araw ehh at chaka kailangan ko mag padala nang pera dito sa probensiya para sa kanila ni mama.
"Don't worry mama papa promise ko po na aalagaan ko ang sarili ko pag dating sa may nila a update din po ako sa inyo kapag di po ako busy sa trabaho at sa school po"
Nginitian lang nila ako at nag patuloy na sa pag kain.
"Ate isang tinulang isda at pancit nga po tas kanin at isang soft drink" agad ko naman order nang aming customer, madami kaming customers ngayon kagay nang dati kaya bawal talaga kumilos nnag mabagal.
Pagkatapos kong kuhanin ang kanilang order ay agad akong bumalik sa kanilang pwesto at inilapag ang pagkain.
"Isang daan po lahat kuya" kumuha siya nang isang daan at agad itong ibinigay sa akin kaya agad akong bumalik sa pa pag kuha at pag hatid nang order nang aming customer.
Simpleng kainan lang ang pinapasukan ko pero malaki na ang na itulong nito sa akin, madami kasing taong kumakain dito kaya medyo malaki laki din ang sahod na nakukuha namin araw².
At ang sahod ko na iyon ang ginamit ko pang bayad sa lahat nang gastusin ko sa paaralan kagaya nang tuition ko, projects, at iba pang miscellaneous.
Di kasi kaya nang pamilya ko na paaralin ako kaya ako na mismo ang gumawa nang paaran para maka pag patuloy sa pag aaral at una kong na isipang gawin ay ang mag trabaho.
Nang nakita ko ang poster nila sa labas nang kainan nila at hiring sila ay diko na pina lagpas ang pag kakataon, nag apply ako agad at laking pasasalamat ko nang tinanggap nila ako.
Mabait naman ang may ari nitong kainan na tinatrabahoan ko, may pag ka strict siya pag dating sa trabaho pero mabait naman siya, hindi madamot at hindi maka sarili.
Nong naka graduate ako sa grade 10 ay na isipan kong kumuha nang scholarship para di ako maka tigil sa pag aaral.
Di na kasi basta basta ang mga bayarin sa koleheyo at sure ako na di kaya nila mama ang gastusin, di nga nila kinaya nong highschool lang ako ngayon na kaya na koleheyo na ako.
Maganda ang takbo nang scholarship ko, sa private school ako nag aaral dahil sa scholarship na nakuha ko mababait naman ang mga ka klasi ko pero puro naman mayaman.
Wala akong naging kaibigan sa eskwelahan dahil libro lagi ang ina atupag ko doon mapa classroom man or canteen.
Walang student na nam bu-bully sa akin, walang student na hinihila ako pababa, they mind there own business and I mind mine.
Pero napaisip din ako, kong ganito parin ba ang buhay ko pag nasa maynila na ako, sabi kasi nang mga magulang ko iba daw ang maynila at ang lugar nang kinalakihan ko.
Lagi nila akong sinasabihang mag ingat ako lagi, pupunta lang naman ako nang school pero alam kong ayaw lang nila akong mapahamak kaya I always assured them na magiging ok ako once na nasa maynila na ako.
Pinapangalanin ko nalang talaga sana na magiging ok ako once na dumating ako sa maynila, sana hindi bully ang mga student doon kagaya dito sa amin sana walang tao na sasaktan ako.
Napabuntong hininga na lang ako sana nga sana