Hindi ko maitago ang pagod at pighati habang nasa loob kami ng sasakyan ni Raziel. Nakabalik kami kanina sa maliit na bahay kung saan kami nagstay noong panahon na kailangan naming tumakas dahil hinahanap kami ni Flavius para kunin. Hiniling ko na gusto kong bumalik kami ngayon sa Batangas upang umuwi na sa mismong mansyon ni Ramael. Nakadungaw lang ako sa bintana habang nasa bisig ko ang sanggol. Ang anak ni Trish. Nahimbing ito natutulog. Ang akala ko ay iyakin ito ngunit nagkamali ako. Hindi ako binibigyan ng problema ng batang ito. Sa tingin ko ay mabait ito paglaki. Nasa tabi ko lang ang dalawa na maliit na ceramic jar kung saan ko nilagay ang abo ni Ramael at Lucille. Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa loob ng sasakyan. Sa backseat ako nakaupo habang si Raziel ang nagmamane

