Chapter 19

2028 Words
Hindi man lang mahupa ang inis ko sa kaniya! Parang mas lalo pa yata nadagdagan. Papaano kasi, kaninang umaga, hindi man lang din niya ako pinapansin! Tahimik lang din kami papunta sa Hacienda Virginia. Nakakainis talaga! So walang kibuan competition ito, ganoon? Eh sige, challenge accepted! Bahala siya sa buhay niya! Wala ako sa opisina niya ngayon. Pagala-gala lang ako dito sa beach. Napadpad ako sa isang nipa-hut style pero hindi siya bahay kungdi—bar. Kaso, sarado pa ito. May namataan akong tao sa gilid, abala sa paglilinis. Hindi ako nag-atubiling daluhan ang naturang lalaki na iyon. "Excuse me, pwede po magtanong?" Panimula ko. Tumigil saglit ang manong at bumaling sa akin. "Ano 'yon, iha?" Tinuro ko ang sinasabing bar. "Anong oras po ito magbubukas?" Tanong ko. Sinundan niya ng tingin ang tinuturo ko. "Ah, alas otso pa po kami magbubukas..." Tumango ako. Napangiti. "Thank you po, manong. Sige po." Paalam ko at umalis na. Habang naglalakad ako, may nabubuong ideya sa aking isipan. Hindi ko muna sasabihin dahil paniguradong malalaman ng siraulong demonyo na iyon kung ano ang maiisip ko. Sinadya ko talagang sayangin ang oras ko sa paggagala. Hindi pa rin ako bumabalik sa opisina. Ayoko siyang makita ngayon. Mas maigi kung magmumuni-muni ako. Wala rin naman akong gagawin sa opisina niya. Nagpasya akong magcheck in sa isang hotel, sa kabilang resort. Kailangan ko ng kahit kakaunting realizations tungkol kagabi. Bakit ako nadismayasa binigay niyang damit? Siguro dahil malaki at mataas ang expectations ko. Siguro dahil babae ako, I want to show off kahit minsan lang. Kahit na sabihin nating conservative din ako. Iyon lang ba? Iyon lang ba ang dahilan kung bakit ako nagalit sa kaniyang kahapon? Puwede rin. Pero biglang may sumagi sa isipan ko ang isang bagay. Wait, imposible naman siguro iyon, diba? Imposible akong magkagusto sa isang tulad niya. Hindi at never. Anak lang naman ang habol niya sa akin. Wala nang hihigit pa doon. Kailangan niya lang ako para makagawa ng sinasbai niyang cambion. Sa katunayan pa nga ay nagresearch na din ako tungkol sa tinutukoy niya. Crossbreed ng tao at demonyo. Ano akala niya sa akin? Aso?! Pero, alin man doon, incubus man ang tatay nito o succubus ang nanay nito. Kapag ipinanganak sila, tao pa rin naman pero nananalaytay sa katawan nila ang katangian ng demonyo. Ayon din sa nareasearch ko, wala daw pulso ang mga baby cambions. Nagagawa pa rin daw galawin ang kanilang katawan hanggang sa tumuntong sila ng pitong taong gulang. Pagsapit ng ganoong edad ay doon na daw lalabas ang mga abilidad na meron sila... Iniisip ko palang ay kinikilabutan na ako. Jusme, ano ba itong pinasok ko? Bakit nga ba ako pumayag sa demonyo na iyon?! Kung alam ko lang na ganoon ang klaseng unnatural na tao ang magiging bunga namin ni Ramael! Nakakainis! Makatulog na nga muna! ** [ Third Person's POV ] Sabay na pumasok sina Raziel at Lucille sa Opisina ni Ramael. Tumambad sa kanila si Ramael na tahimik na nakaupo sa swivel chair nito. Malalim ang kaniyang iniisip. "Bakit mo kami pinapatawag, kuya?" Usisa ni Lucille sa kaniyang kapatid. "Mukhang importante ang pag-uusapan natin, ah." Wika naman ni Raziel saka humalukipkip. "Tama ba?" Seryoso silang tiningnan ni Ramael. "Hindi pa rin niya ako kinakausap..." Natigilan ang dalawa sa kaniyang sinabi. Nagkatinginan sina Raziel at Lucille ng ilang segundo hanggang sa ngumisi. Bumaling sila kay Ramael. "Pride, dude. Pinairal mo ang pride." "Or maybe, nahihiya lang din si kuya." Kumunot ang noo ni Ramael. Mas lalo siya naguguluhan. "Nagsorry ka na ba sa kaniya?" Tanong ni Raziel. Umiling siya bilang tugon. Raziel and Lucille are both sighs because of dismay. "You should to, kuya." Lucille said. "Baka iyon lang gustong marinig niya mula sa iyo then explain your side." "And maybe she's falling for you, too. Naguguluhan lang din siya." Dagdag pa ni Raziel. Hindi alam ni Ramael kung ano ba ang mararamdaman niya. Sa parte ng kaniyang pagkatao, napakaimposible talaga na mahulog ang tulad niya sa isang tao. Lalo na't hindi pupwede. Pero nang sabihin ni Raziel ang bagay na iyon, hudyat iyon upang maramdaman niya ang kasiyahan sa parte ng kaniyang pagakatao. Parang nasiyahan siya na gusto rin pala siya ni Beth, 'yon nga lang, hindi pa sigurado. "You need to talk to her, dude." Wika pa ni Raziel. Seryosong tiningnan ni Ramael ang tinuturing siyang kaibigan. "I think, I need to give it a try." Parehong ngumiti ang dalawa sa kaniya. ** [ B e t h a n y ] Nagising ako gabi na pala. Napatingin ako sa wall clock ng kuwartong ito. Pasadong alas otso na! Hala! Napahaba pala ang tulog ko! Agad akong umalis sa kama at pumasok sa banyo para makaligo. Bumili din ako ng damit sa resort na ito, buti nalang may shop sila dito at dala ko ang pera ko. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na ako. Agad na din ako nagbihis ng damit. Balak ko talaga magwalwal. Doon ko nalang pagbabalingan ang inis ko kay Ramael. At saka, mukhang hindi naman niya ako hinahanap. Balasiyajan! Nagcheck out na din at pumunta na ako sa nipa hut na pinuntahan ko kanina. Siguro naman ay bukas na iyon. Yey! Hindi ko inaasahan na marami na palang tao dito. Ang akala ko kasi kapag kakabukas lang ay kakaunti palang ang costumer pero mukhang nagkamali pa ako. Di bale na nga. Pinagmasdan ko pa ang ibang tao na papasok sa bar na iyon. Mula dito sa labas ay rinig ko ang nakakaindak na kanta. Party party yata ang ganap sa loob. May namataan din akongibang tao na papasok sa loob. Ikinumpara ko ang suot ko sa kanila. Mukhang wala namang problema, medyo daring pala ang suot ko na hindi ko namamalayan. Hay, bahala na nga! Beach din naman ito kaya walang masama! Tagumpay akong nakapasok sa loob. Mausok at dim ang ilaw sa loob. Ma nangingibabaw ang neon lights... Pati mga tao na mukhang nag-eenjoy sa party-party. Namataan ko ang bar counter. Umupo ako sa high stool at nag-order ng martini sa bartender. Dumukot ako ng pera at naglagay sa fish ball. Napalingon ako sa dance floor, maraming sumasayaw. Mga wild. Ilang saglit pa ay inilapag na ang bartender ang inorder kong inumin. Agad ko iyon ininom. I wanted to be wasted tonight. Ayokong isipin muna si Ramael... "Beth?" Napatingin ako sa gilid ko. "Liam?" Tawag ko. "I thought... Nasa kabilang resort ka?" Ngumiti siya at tumabi sa akin. "Nagkaaya kasi ang tropa kaya napadpad kami dito. Bakit napaunta ka dito nang mag-isa? Nasaan ang boyfriend mo?" Ngumiwi ako. "He's not my boyfriend, Liam." Sagot ko. Napasinghap siya sa sagot ko. Tila hindi siya makapaniwala. "Seryoso? Pero kung makaakto naman sa iyo parang girlfriend ka niya." Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya ang totoo pero hindi. Baka sabihin naman ang weird ko. Eh di huwag nalang. Bumaling ako sa bartender. "Isa pa." Utos ko. "Same here." Dagdag pa ni William. Bumaling siya sa akin. "So, kamusta? Hindi ka pa ba babalik ng Manila? Kung gusto mo, sabay na tayo." Hilaw akong ngumiti. "Hindi na, may dala naman akong sasakyan... I can manage." Bakit bigla ako nakaramdam ng kaba. Bakit? Para saan? Pamilyar sa akin ang ganitong pakiramdam. Inilipat ko sa ibang direksyon ang aking tingin. Pinapanood ko nalang ang mga taong masayang nagsasayawan. Oh s**t. Hindi na tama itong t***k ng puso ko. Parang may kutob ako pero hindi ako sigurado kung ano iyon. Oh damn it. "Beth," Tawag sa akin ni William. Bumaling ako sa kaniya. Hawak niya ang inorder kong inumin. Inabot niya iyon sa akin. Tinangap ko. "Thanks." Nakangiting sabi ko saka nilagok ko iyon. "Uhm, beth. Okay lang ba kung makausap kita? Na tayong dalawa lang? May kailangan lang akong sabihin sa iyo..." Aniya. Tumango ako. "Oh sige..." Wala naman sigurong masama. Sabay kaming lumabas sa Bar. Nasa likuran lang ako ni Wiilliam. Sumusunod lang ako sa kanila. Napapansin ko na kaming dalawa nalang talaga ang nadito sa lugar na ito. Wait, may kuweba? Bakit sa dinami-dami na lugar bakit dito pa napili ni William na mag-usap kami? "Liam?" Tawag ko sa kaniya. Tumigil siya sa paglalakad. Lumingon siya sa akin na seryoso na ang kaniyang mukha. Anong... "This is the perfect place, for two of us..." Sabi niya. "B-bakit dito?" Namamaos kong sabi. Unti-unti na ako nakakaramdam ng panghihina. Bakit parang... Nahihilo ako? Bakit umiikot ang aking paningin? Napahawak ako sa pader na yari sa bato para suportahan ang aking sarili. Ramdam ko ang pawis sa aking noo. "L-Liam..." Humakbang siya palapit sa akin. Nakangisi siya na parang may gagawin siyang kalokohan. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Hinding hindi makakalimutan ang ginawa mo sa akin, Beth. Hinding hindi ko matatanggap ang pagkatalo." Mariin nguni nanatili pa rin siyang nakangisi sa akin. "A-anong..." "Kung hindi man kita makuha sa marahan na paraan. Dadaanin nalang kita sa pwersahan!" Sabi niya sabay hinagis niya ako upang mapasubsob ako sa lupa. "L-Liam..." Nanghihina pa rin ako. Nilapitan niya ako saka umibabaw siya sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang kamay ko at dumapo iyon sa lupa. Dahil sa panghihina ko ay hindi ko magawang tumakas! "H-huwag..." "Anong huwag? Aba, maawa ka rin sa akin, Beth. Sa tinagal-tagal kong hinintay ka, ni minsan hindi mo ako pinagbigyan!" Bulyaw niya sa akin at walang sabi na nilapit niya ang kaniyang mukha upang halikan ako. Nagawa kong iwasan iyon kaya lang dumapo ang mga labi niya sa leeg ko at pinaghahalikan niya iyon. "Tang ina, ang bango mo talaga, Beth... Kung noon ko pa pala ginawa ito, eh di sana natikman na kita..." Nanggigilid na ang mga luha ko. "H-huwag..." Pagmamakaawa ko pa. Hanggang sa marahas na umagos ang luha ko. "Manahimik ka, Beth!" Singhal niya at patuloy pa rin niya binababoy ang katawan ko. Isang tao ang sumagi sa isipan ako... 'R-Ramael... Ramael...' Sigaw ng aking isipan. 'Help...' Rinig ko ang pag-ungol ni William. Pumikit ako ng mariin. Walang humpay ang luha ko sa pagtulo. Takot na takot na ako... Umabot na ang mga labi niya sa dibdib ko nang biglang humiwalay siya sa akin. Dahil doon ay napatingin ako. Napaawang ang bibig ko nang makita ko si Ramael! Isang nakakatakot na Ramael ang nakikita ko! "Beth!" Napatingin ako sa gilid ko. Palapit sa aking direksyon sina Raziel at Lucille! Bakas na pag-aalala sa kanilang mga mukha. Inaalalayan nila ako tumayo. Muli ako napatingin kung saan sina Ramael at William. Hinawakan ni Ramael ang leeg nito! Dahan-dahan niyang inangat si William habang hawak niya ito ang leeg nito... Parang nangyari na ito noon... Parang hindi ako makahinga sa nakikita ko. William's feet still flipping, pinagpapawisan din siya at hindi makahinga ng ayos. Ang akala ko pagbabantaan lang ni Ramael ito pero nagkamali ako. Ni isang salita ay wala akong narinig mula sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang kamay ni Ramael... Nag-iiba ang anyo 'yon. It turns into a claw! "Die." Mariin at punong puno ng galit nang sambitin iyon ni Ramael. Walang sabi na sinaksak niya sa sikmura si Liam sa pamamagitan ng matutulis niyang mga daliri, tumagos iyon hanggang sa likuran ni William! Bumulwak ang dugo! Hindi ako makatili... Tila nanigas ako sa aking kinakatayuan. Ramdam ko lang ay panginginig ng aking mga binti dahil sa takot. Isang matinding takot... Marahas binitawan ni Ramael si William hanggang sa nakahandusay na ang katawan nito sa lupa. Wala na itong buhay. Muling nag-iba ang anyo ng kamay ni Ramael... Bumalik ito sa dati... Patuloy ang pagtulo ng mga dugo sa sahig. Lumingon siya sa akin. Malamig at galit ang nababasa ko sa kaniyang mga mata. "Galit ka na naman, Ramael." Isang boses ng babae. Napalingon kami sa kaniya. She's wearing a black cloak at isang bagay na makakakilala sa kaniya... "G-Grim Reaper?" Ang tanging lumabas sa aking bibig. Bumaling siya sa akin at tumango. "Yeah, alam kong may papatayin na naman ang isang ito kaya narito ako para sunduin ang masamang kaluluwa..." Saka tumawa siya. Napabuntong-hininga naman si Raziel at Lucille. "Pinag-alala mo kami." Seryosong sabi ni Raziel. "Dahil d'yan ay galit na galit ang isa." Napalunok ako. Yumuko at hindi ko na kinaya. And all went black...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD