Hindi inaasahan ni Carmz na isasama ko si Ramael sa lakad namin. Naexplain ko din naman sa kaniya kung bakit. Good thing is, naitindihan niya. Pero ang masama nga lang daw ay maiinggit lang daw siya dahil magmumukha lang daw siyang chaperon, imbis na girl bonding, ang magiging kalabasan pa daw ay date pa namin ni Ramael ito. Kaya tawa lang ang nasasagot ko sa mga sinasabi niya while my boyfriend smirked. Sa isang boutique kaming pumunta. My dear friend was busy scanning dresses at the rack. Nakadikit naman si Ramael sa akin habang iniisa-isa ko naman ang mga damit. Medyo nagulat pa ako dahil nakikitingin din siya, saglit lang siyang hihiwalay sa akin tapos babalik siya na may hawak na damit. Bagay daw sa akin, perfect daw. Natatawa ako sa inaakto niya. Pareho kaming nakaupo ni Ramael sa

