"Good evening everyone. Three years ago, may nakabangga akong isang babae. Nagalit ako, pero hindi ko alam na bulag pala siya. Na hindi talaga pala niya ako nakikita. Simula noon ay palagi ko na siyang sinusundan, aaminin ko tinamaan talaga ako sa kanya. I'm crazy inlove to that girl. And tonight I want to introduce to all of you my wife, Mhelcah Blake." Pakilala ni Simon sa lahat ng taong naroon. Nagulat ang lahat sa naging rebelasyon ni Simon. Lalo na si Mhel, napabitaw siya kay Simon sabay patak ng mga luha niya. Hindi makapaniwala si Mhel sa narinig niya. Hindi niya maalala kung paano niya naging asawa si Simon. Dahil ni minsan ay hindi nila ito mapag-usapan. Mabilis namang bumaba sa stage si Antonette. Galit na galit ito dahil sa mga narinig niya kay Simon. "What are you talking ab

