Nabalot nang kaba ang puso ni Samantha habang hinihintay niya ang resulta nang DNA test niya. "Ang resulta ay ikaw si—" "I-Ikaw si—" "Ano? Anong nakalagay d'yan? Simon magsalita ka, please naman. Bakit ka ba nakatulala lang d'yan?" Paulit-ulit na tanong ni Samantha kay Simon. Hindi kasi ito kumikilos at nakatulala lang. "Simon, ano bang nakasulat d'yan? Please naman magsalita ka." Pag-uulit ni Samantha sa binata. Inisang hakbang ni Simon si Samantha noong nahimasmasan na ito. Mabilis niyang niyakap ang dalaga na sa sobrang higpit ay parang hindi na makahinga si Samantha. "Mahal na mahal kita. Thank God at buhay ka baby," umiiyak na bulong ni Simon sa tainga ng dalaga. Hindi nagsisink-in sa utak niya ang ibig sabihin ni Simon. Sa mga sinabi nito ay alam niya na tama ang hinala nit

