Hindi akalain ni Samantha na ganito ka gwapo ang driver ng kanyang mommy. Ibang-iba sa naiisip niya na pangit na lalaki. Ang nasa isipan talaga niya ay may edad na ito at kalbo. Pero kabaliktaran ang nasa harapan niya. Kahit na mahaba ang buhok nito at may balbas ito ay sobrang ganda ng mga mata nito. Lalo na siguro kapag nasa harapan ko na siya. "Sh*t! Ang gwapo. Saan kaya lupalok ng Amerika ito nakuha ni mommy?" Tanong nito sa sarili. Naglakad papunta sa lalaki si Samantha. Nakatulala na kasi ito sa kanya. Alam ko naman na maganda ako. Saad ni Samantha sa sarili. Hindi kataka-taka kung matutulala siya. "Zach, i miss you." Nakangiting sabi ni Samantha sa kanyang anak. Pero hindi inaasahan ni Samantha ang gagawin ni Simon. Bigla na lang kasi siya nitong niyakap. Ang unang napansin ni S

